CHAPTER 58

25.8K 1.2K 945
                                    

★☆★

Zell's POV

---

Hindi dapat ganito. Hindi gulo ang inaasahan ko. Axiesse told me she won't create a fight nor trigger a gun unless it is needed. Her only plans were to check the properties she inherited and to talk to Ellisandra, to convince her and to catch her.

Not this.

Hindi ganitong maraming bala, dugo, at buhay na nawala.

I readied my sniper and closed my one eye while looking through the scope. Maingay ang tunog ng chopper lalo na't hindi lang isa iyon. There are three choppers in this area. We came for back-up. Pinaputukan ko agad ang iilang mga kalaban habang nasa bukana ako ng chopper. Gustuhin ko mang bumaba para mapuntahan sila kaso lang mas maiging nandito ako sa itaas.

Hindi ko maiwasang manginig, sa sama ng loob at sa panghihinayang. Ako ang huli sa aming apat na nakaalis ng Manila. Bago pa ako makapunta rito ay nakaabot na sa akin na sangkot si Cherwin. Lahat. The other agents reported it to me. Hindi ko gustong paniwalaan 'yon. Ang hirap tanggapin ang dami naming pinagsamahan. Bakit sa dinami-rami ng puwedeng maging kalaban, bakit siya pa na naging malapit sa amin?

I don't know what came to his mind. I don't know what happened to him. I don't know his reasons or his side. We've been friends for at least 7 years? Hindi ko na alam. Hindi man kami masyadong nagkakasama sa mga nagdaang buwan pero dahil parehong abala pero sapat na ba 'yon para gawin niya sa amin ito?

Pinindot ko ang earpiece habang tinatamaan ang iba sa ilalim.

"How's the three?" I asked immediately.

"They're nowhere to be found at the moment, Agent Stawn! But we've already secured Cherwin Sarcossa!"

"How about Fhia Vergara?"

"We are coming on the ship to get her. Her sister Ellisandra Vergara was shot!"

"Get them!"

"Roger that!"

Ang bilis lang ng pag-uusap namin kaya agad na natapos 'yon. Sa ibang chopper naman ay nagsibabaan na ang Team Bravo gamit ang fast-roping.

Hindi matigil sa lakas ng tibok ang aking puso. Halo-halo ang nararamdaman ko at hindi ko na napangalanan 'yon.

The other agents I am with here in the chopper immediately threw the rope outside so they can do the fast-roping. Mabilis nilang inaayos ang belt at bumaba na habang nanatili ang sinasakyan sa himpapawid.

Tanging ang malaking ilaw lang galing sa chopper ang gumagabay sa kanila.

"Take my place," sabi ko sa isang agent at agad na binigay sa kaniya ang sniper.

Tumango siya at pinalitan ako sa puwesto. Inayos ko ang belt at kinonekta iyon sa matigas ng tali. I held the rope while going down. Ramdam na ramdam ko ang malakas na hangin at ang ingay ng chopper. My other hand is holding the rope while the other one is holding a gun.

May nabaril akong kalaban habang mabilis na bumababa sa chopper gamit ang tali. I disconnected the belt in the rope and grabbed another gun in the pocket on my waist.

Agad kong sinuntok gamit ang isang baril ang isang sumugod sa'kin. Mabilis akong nagtago sa may container nang may biglang nagpaputok. Malapit na akong tamaan! Lumabas ako sa kabilang parte at nakita ang kalaban na papalapit pero binaril ko na agad.

Ang dami nila. Hindi ko inaasahan ito. Well they said, expect the unexpected, right? Lumalaban din ang iilang agents. Naririto na rin ang iilang Team Alpha at Charlie.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon