CHAPTER 45

38.2K 1.5K 410
                                    

♦♢♦

Sasha's POV

---

'I'm gonna tell him everything. Move on and never look back' I chanted that in my head for so many times. Multi-tasking pa para sa akin ang makinig sa concert habang inaalala iyon.

"Woooh! Ang galing!" Sigaw ko.

Ayaw ko namang bigyan ng pasakit ang sarili dahil lang sa nalaman. It's been days since I found out that he's having a baby with Kimirae. Gusto kong sumaya muna... kahit panandalian. I cried every night before I go sleep because of that. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw nang sumigaw at umiyak nang umiyak pero tuwing naalala ko ang problema ng ibang tao na di hamak na mas malaki at malala sa aking problema ay parang wala akong karapatang gawin iyon.

May parte sa akin na gumuho at nanlumo dahil sa nangyari. Who wouldn't be? Pero pinipilit kong huwag nang isipin 'yon kahit na bawat minuto... bumabalik iyon sa isip ko at nasasaktan na naman ako.

Akala ko pagkatapos ng misyon, maaari na akong makabalik sa kaniya. Akala ko pagkatapos ng misyon, ang gagawin ko nalang ay umamin, humingi ng tawad at subukang ibalik siya sa akin pero heto ang nangyari. I think... I can't get back to him anymore. My dreams I silently planned in my head for us is like an ice put in a bottle of hot water. It was melted and dissolved immediately.

Pumalakpak ako pagkatapos ang huling performance ni Wayne ilang minuto lang matapos umalis ni Zell. May mga sinabi pa siya sa harap na hindi ko na napakinggan dahil nahagip ng mga mata ko si Marx.

Muntik na akong mapatalon sa upuan nang makita siyang nakatingin sa akin. I licked my lower lip and looked away. Ang sakit ay parang karayom na tinutusok nang paulit-ulit sa aking puso. Pero kahit gaano kasakit, alam kong wala akong karapatang magalit sa kaniya.

"The concert is done. Let's go home?" Tanong ko at tumayo na.

Nagsitayuan na rin ang mga ibang tao pero paunti-unti iyon dahil sa sobrang dami. The loud jolly music is playing and everyone seems enjoyed the concert. Wala ako makitang nakasimangot o hindi masaya.

Bumuntong hininga ako at ningitian si Axiesse.

"Ang saya! The concert is worth it!" Nakangiting sabi ko sabay baling kay Klenth na katatayo pa lang. Now he's holding a bouquet of flower.

"Yeah... It's worth it," sagot niya.

"Pupunta ka ba kay Yumie, Klenth?" Tanong ni Axiesse.

"Yes, of course... You?"

Lumipad ang paningin ko sa kabilang section. Zae and Marx are talking about something. Sabay silang bumaling sa banda namin at nag-umpisang maglakad sa kung saan kami ngayon!

"Baka bawal pumasok sa dressing room niya?" Si Axiesse na kausap si Klenth.

"Halina kayo! Hindi bawal! Basta tawagin lang si Yumie!" Sabi ko at agad na nagmartsa paalis doon.

My heart is booming loudly. Nanginginig ako at malalim na ang hininga. I know I should talk to him and tell him everything pero hindi muna ngayon! I'm not ready yet. Gusto kong sa oras na maghaharap na kami, ay iyon din ang oras na sasabihin ko sa kaniya ang lahat.

Nakaalis na ako roon. Sa pagmamadali ay namalayan ko nalang ang sarili na malapit na sa mga dressing rooms. Guards are everywhere. The place is heavily guarded. Maingay din at abala ang mga tao. May mga nakita pa akong artista na kausap din ang kapwa artista. Medias are here too na paniguradong sinusubukang ambushin ang kung sino mang dumaan na artista.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon