CHAPTER 59

29K 1.2K 1.1K
                                    

♢◆♢

Sasha's POV

---

"Anong ginagawa mo rito?"

Hindi ko na halos matandaan ang lahat ng nangyari. I just knew that Fhia shot Ellisandra at si Axiesse na pinagtulungan ng mga kalaban matapos lumusong sa dagat para sagipin ang isang babae.

I'm just glad that I'm alive. I woke up feeling a bit empty because of what happened.

Blanko kong tiningnan si Umma habang nakaupo ako sa hospital bed. Kanina pa ako gising at wala akong maramdaman kundi sakit. I looked at my feet on the bed, ginalaw galaw ko iyon at naramdaman ang panghihina pa rin ng katawan.

"I'm worried. I heard the news and-"

"Leave."

"Sobrang delikado nang ginawa mo! Sasha!"

"I said leave!" Sabog ko.

Nagulat siya sa inasta ko. Mabilis ang aking paghinga at ramdam na ramdam ang galit para sa kaniya. Hindi ko na inalintana ang pagsakit ng sugat. Why is she here, by the way? Diba iniwan niya na kami?

"Kasama mo ang kabit mong pumunta rito?" I scoffed.

Hindi siya nagasalita. And I'm right! The guilt is all over her face. Napailing-iling ako at kinuyom ang mga kamao, nanginginig iyon ng bahagya. I don't want to see her anymore. I don't want to hear her voice.

"Umalis na kayo. H'wag ka nang magpapakita."

"I'm sorry-"

"Sorry?! Sa lahat, sorry lang? Nandito ka dahil muntik na akong mamatay! Pero noong sobra akong nasaktan dahil iniwan mo kami, hindi ka nag-alala! Sumama ka pa sa kabit mo na tatay ng kaibigan ko! You heard me! I don't want to see you ever again!"

"Sasha..." She sobbed. Gusto mang lumapit pero hindi alam kung saan ako hahawakan. Matalim ko siyang tiningnan habang ang mga luha ay nasa gilid na ng mga mata. "Let me take care of you-"

"Please, leave."

Lumandas ang luha sa aking pisngi.

"I'm still your mother! Ayokong mapahamak kayo dahil mahal ko kayo..."

Hindi ako nagsalita. Pumikit ako ng mariin at naramdaman ang hawak niya sa kamay ko. I may come off as rude, disrespectful, bad or whatever but I don't really care about it anymore.

Parang nilulukot ang puso ko habang pinagmamasdan siyang umiiyak.

"Hindi ko kailangan ng tagapag-alaga. Kaya ko ang sarili ko."

"Sasha..."

"I don't want to shout again. Nakakapagod magalit kaya umalis na lang po kayo."

Iniwas ko ang tingin sa kaniya. Naririnig ko pa rin ang kaniyang mga hikbi. I sighed heavily and pulled my hand on hers. Isn't it funny? Kung kailan tayo muntik nang mamamatay, doon magpapakita ang mahal natin sa buhay. Pero noong mga panahon na kailangan natin sila, walang nagpaparamdam o nagpapakita.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon