CHAPTER 25

41.4K 1.6K 664
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

Mabuti nalang dahil nakuha namin ang susi ng clinic sa labas kung saan naroroon ang isang nurse. Nagtataka pa ako kung bakit nasa labas ang nurse na 'yon.

"Parati ka nalang napapahamak. Bawas-bawasan mo naman ang kamandag mo, Axiesse," sabi ko, natatawa pero dapat niyang seryosihin 'yon.

Ningisihan niya ako. Pagkatapos naming tumambay sa mga puno ay dumiretso kami sa isang restaurant para kumain. It's an exclusive kind of restaurant, de kuwarto ang bawat grupong gustong kumain.

"Ang tigas talaga ng ulo ng isang 'yan! Siya nga pala, ano bang mga sinabi ni Jaselle sa'yo at mukhang galit at halos sigawan ka raw non kanina? Nakatulog kasi ako..." Si Sasha habang kumakain.

Sa gilid niya naman ay ang mapagmasid at tahimik na si Zell. Bumuntong hininga ako at uminom ng tubig.

"Nagalit siya pagsugod kanina ni Zae," simpleng sagot ni Axiesse.

"Oh? Bakit ikaw ang pinagalitan?" Tumaas ang isang kilay ko.

Nagkibit-balikat siya. "She said she doesn't want Zae to get involved with my mess."

"Edi si Zae ang pagsabihan niya! Tutal boyfriend niya 'yon, diba?"

"Hayaan mo na nga, Sasha. Hayaan mo sila," sabi ni Axiesse at nagpatuloy sa pagkain.

Umorder pa ulit kami ng mga pagkain at mas lalo pang nagtagal sa loob ng restaurant. Wala namang pasok kaya baka rito na muna kami magpapalipas ng oras, sa harap ng mga pagkain.

Sinabi rin ni Axiesse ang mga nalaman niya. There's someone behind all the actions of Renmar Tramios and his friend. Hindi malabong konektado rin sila kay Roshtun Wui at Teorikko Abruwt.

Tiningnan ko ang kaibigan. May band aid sa kaniyang pisngi at maliit na plaster sa noo. May plaster din sa mga tuhod niya. Nakapalda pa naman siya dahil naka uniform. Mabuti nalang dahil may jogging pants si Zell sa kaniyang sasakyan kaya sinuot na muna 'yon ni Axiesse.

"You have a brother?" Tanong ko.

Narinig ko kasi ang sinabi niya noong may tumawag sa kaniya kanina. Kita ko ang kaniyang paglunok. Katabi ko lang siya. She turned to me and smiled.

"Yup."

"Bakit daw tumawag? Pinapauwi ka ulit sainyo?"

"Hindi naman. Nangangamusta lang..."

"Oh. Okay," sabi ko.

"Are they going home?" Si Zell naman.

Nagkibit balikat lang si Axiesse. "Maybe..."

Ilang minuto pa ang itinagal namin doon. May malaki kasing flat screen at may mikropono. Para siyang ktv style.  Malamig din ang paligid dahil sa aircon kaya napapasarap ang pananatili rito.

Kinuha ko ang microphone at naghanap ng mga kanta sa song book. Naging medyo madilim na rin ang paligid dahil pinatay ni Sasha ang ilaw.

"Axiesse, kakanta muna ako habang kumakain ka," sabi ko.

"Go on."

"Ang tagal mo namang kumain, Axiesse. Gutom na gutom lang? Hindi ka pa rin nagbabago, ang takaw pa rin!" Humagalpak si Sasha.

Umiling-iling ako habang pinagmamasdan ang mga pagkaing nakalapag sa mesa. That's... too much! Hindi ba puputok ang tiyan niya dyan? Hindi ko alam kung kakasya ba siya tiyan ko ang mga kinakain niya o hindi lang talaga ako sanay na marami ang kinakain. You know... I should maintain my size.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon