CHAPTER 51

42.7K 1.5K 763
                                    

★☆★

Zell's POV

---

"Hindi nasayang ang effort mo, Sasha."

"Oo nga, Axiesse! At mabuti na lang dahil si Yumie ang kinoronahan!"

Everything looks so perfect. With my friend in front wearing the crown and the pin. Nasa tabi niya si Klenth at may korona rin.

Finally everyone knew about their relationship. Pero hindi naman sa kailangan alam ng lahat ang tungkol sa relasyon nila. That's not very necessary but I'm just happy that my friend is crowned now. And she's a part of the Royalties. Mabuti naman at nakahabol pa siya, huling taon na namin ito!

Tahimik akong pumalakpak. Hindi nagtagal ay nag-umpisa nang kumain. I'm also glad that my Grandfather is here and okay. Nakalabas na siya sa hospital. Kaya lang, alam kong kanina pa niya ako tinitingnan. Dahil na rin siguro sa hindi ko, muna, pag-uwi sa bahay. Napagdesisyunan ko ring pagkatapos ng gabing ito ay uuwi na ako sa bahay para kahit man lang, hindi sila nag-aalala sa akin.

The image of them worried about me warms my heart a bit. Sa kabila pala ng nangyari, nag-aalala pa rin sila sa'kin. But I'm not stupid, alam kong hanggang doon lang 'yon at alam ko ring parang... may mali.

Bumuntong hininga ako at winala na muna iyon sai isip. Masama kong tiningnan si Sasha. Nilalagyan niya ng wine ang aking baso kahit na katatapos ko lang inumin ang isang baso rin ng wine. I'm done with it.

"Stop that. Ayokong malasing."

"Konti lang naman at tsaka... hindi ka naman mabilis tamaan e," she pouted.

"Bakit ba pinapainom mo ako? May balak ka ba sa'kin?"

Tumawa siya. "Grabe ka naman. Kadiri 'to!"

"Ano nga?"

"Basta inumin mo!" Sabay lapit niya ng baso sa mesa.

Inilingan ko siya at pinagkrus ang mga braso. Bumaling si Sasha kina Arjie at Cherwin, mukhang hindi pa tapos sa pinag-uusapan nila. Si Axiesse naman sa tabi ko ay mukhang nagkakaroon ng food tasting.

May bagong hatid kasi na mga pagkain dito sa table namin, gano'n din sa ibang table. I'm already full even with the small amount of food. Si Axiesse ito mukhang judge sa master chief na patikim tikim pa sa pagkain na mukhang nagustuhan naman ang lahat.

Si Sasha naman ay kung hindi matsitsismisan kasama ng mga bakla, sa akin naman ibabaling ang atensyon, magdadaldal, at mangungulit.

"Sige na! Inumin mo na kasi... Last na lang!"

Kinunutan ko siya ng noo at umiling.

"What are you up to? Katatapos ko lang uminom ng ganyan," medyo naiinis na sabi ko.

"I know. But one last drink. Pagbigyan mo naman ako... ang ganda ganda ko pa naman kung hindi mo ako pagbibigyan."

I scowled at her. Talaga namang hanggang dito dinadala niya ang kahanginan niya! I know what she said was true but I want to throw her to the mud.

"I said no."

"Hays! Last na lang talaga. May... May tinitingnan lang ako."

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon