CHAPTER 21

41.6K 1.7K 719
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

Titig na titig ako sa aking cellphone habang komportableng nakaupo sa sofa rito sa condo ni Axiesse. My foot is on the center table, ang isa naman ay nakaapak sa malamig na tiles.

Katatapos lang ng klase namin kaya napagdesisyunan kong dito na dumiretso dahil may operasyon kaming gagawin mamaya. Sakto naman dahil kararating lang din nila Axiesse at ngayon ay nasa kusina, kumakain kasama si Zell habang si Sasha ay nasa kabilang couch, natutulog.

Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa pinagkakaguluhan sa social media. Especially Sky Hextians, pinagkakaguluhan nila ang post ng kaibigan ko. It has thousands of likes, comments and shares. Hindi ko inakala na aabutin ng ilang libo iyon. At mas hindi ko inakala ang pagpost niya ng litrato ni Troov! Lalo na sa caption!

"Axiesse!" Sigaw ko.

"Oh?" Sigaw niya rin pabalik mula sa kusina.

"Ano 'to? Axiesse!"

"Ano ba? Wait lang, kumakain pa ako."

Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko ang mga comments.

Ang gwapo! Tengene

Akala ko kayo ni Zae kaya ikaw yung Campus Queen?

Omg. Are u two timing, gurl?!

Ang landi mo talaga, Axiesse. Nasungkit mo na nga si Zae pati ba naman crush ko inagaw mo? Hustisya naman!

'Yan ba yung nakabuntis daw sa'yo?

Gusto ko lang ipaalam sainyo na nagbebenta po ako ng kalapati. Pm lang sa gustong bumili.

Akala ko si Zae?

Raaawrrr

Campus Queen ka diba? Lande mo naman, girl. Niloloko mo lang pala si Zae.

Napabuga ako ng hangin at hindi na tiningnan ang ibang comments dahil paniguradong sasakit lang ang mata ko roon. Tumayo ako at tiningnan ang wrist watch. May isang oras pa kaming makapag-ayos.

Dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko si Zell na naghuhugas ng pinggan habang si Axiesse ay umiinom ng tubig sa harap ng ref. Binaba niya ang kaniyang baso nang makita ako.

"Kumain ka na? May pagkain pa rito. Tawagin mo si Sasha."

"Busog pa ako. Natutulog pa si Sasha."

Tumango lang siya at dumiretso na rin sa lababo. Sinundan ko siya sabay pakita nang aking cellphone.

"Boyfriend mo na si Troov?"

"Nope."

"Ano?"

"Have you seen my post?"

Tumango ako at dinilaan ang pang-ibabang labi. Syempre makikita ko talaga 'yon dahil parati akong babad sa internet, isang bagay na dapat kong bawas-bawasan dahil sa mga masasamang epekto nito.

"Ilang libong tao na ang nakakita non."

"Well... It is just part of the plan, Yumie. We should make people believe that me and Zae aren't in a relationship...dahil boyfriend ko si Troov."

"Pumayag si Troov?"

Tumango siya at nilapag ang baso. Kinuha naman 'yon ni Zell at hinugasan. Ang sipag.

"Oo. Gusto niya raw akong tulungan."

"So... Boyfriend mo si Troov?" Ulit ko, nanliliit ang mga boses.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon