CHAPTER 33

39.5K 1.8K 853
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

"Hala! Hindi ko alam!" Sagot ko kay Axiesse sa cellphone.

Napabangon ako sa kama at tiningnan ang calendar sa cellphone ko habang patuloy pa ring nasa kabilang linya ang kausap. Oh my! Today's already August 12. Birthday ko pala?!

Sinapo ko ang noo at napapikit. Hindi ko naalala... Sa sobrang dami na rin siguro ng mga iniisip ko... nakalimutan ko ito. I feel so sad knowing that I forgot my birthday. Kung hindi lang tumawag at nagtext ang mga kaibigan ay hindi ko pa malalaman.

"Seryoso ka ba?" Si Axiesse.

"Oo! Nagulat lang ako nang tumawag kanina kayo ni Sasha tapos nag text naman si Zell! Oh my!"

"Ngayon naalala mo na?"

"Oo!"

"Sige na... Matutulog na 'ko... Magcelebrate nalang tayo mamaya. Bye!"

"Sige. Salamat..."

Napabuntong hininga ako nang bumaba na ang linya ng tawag. Tiningnan ko ang mga social media accounts ko. Their greetings and messages flooded. Napangiti ako. It's so heartwarming. Naalala ng mga tao ang kaarawan ko pero sarili ko mismo hindi naalala iyon.

I read their messages and greetings. Ang dami no'n kaya napagpagpasyahan ko nalang na matulog na dahil inaantok na talaga ako. Ilang oras lang ang tulog ko nang magising kinaumagahan. Hindi nga 'yon nakaabot ng eight hours. Dumiretso agad ako sa studio dahil kailangan naming mag ensayo para sa mga kakantahin.

Kahapon naganap ang final rehearsal. Ngayon naman ay kami nalang ni Wayne ang pinabalik. Some people are too excited for the concert the reason why tickets are immediately sold out. Oo nga naman... First time gaganapin dito sa Pilipinas ang concert ni Wayne.

Kumalat ang mga litrato ko sa mga social media dahil sa kaarawan ko. Pagkarating ko sa labas ng studio ay dumagsa kaagad ang mga guwardiya at bouncers para alalayan ako lalo na sa mga media at iba pang mga tao na may hawak na mga taurpaulin na gustong lumapit sa'kin. Kumaway ako sa kanila. Sinalubong ako ng manager ko at hindi na hinayaang magtagal pa sa labas.

Ang bilis lang ng pangyayari. Pagkatapos ng ilang oras ay natapos na rin. Kagaya kahapon, hindi ko na namalayan na tapos na pala ang final rehearsal. Walang dumating na pagkain o ano galing kay Klenth na inaasahan ko... o umasa lang talaga ako pero wala naman pala?

Dalawang araw akong hindi makakapasok sa eskuwelahan kaya pagkarating ko sa bahay ay nag advance studying ako at binasa lahat ng may kinalaman sa course ko. Alas kuwatro na ng hapon nang matapos ako sa lahat.

"Yumie?" Katok ni Mommy sa pintuan.

Napabuntong hininga ako at dali-daling binuksan 'yon.

"Happy birthday, hija!" Masayang aniya.

Napangiti ako. Kanina kasi paggising ko, wala na sila. Ang sabi ng mga kasambahay ay pumasok na sa trabaho. Akala ko nakalimutan na nila ang kaarawan ko.

"Thank you, Mom..."

May dala siyang malaking paper bag. Pumasok siya rito sa kuwarto ko at nilapag sa aking kama. She smiled and hugged me tight.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon