CHAPTER 61

25.6K 1.2K 597
                                    

•°•

Naeyumie's POV

---

Nabasag ang isang baso tubig pagkatapos kong itinapon 'yon. Nagulat ang nurse, si Zell at si Troov sa ginawa ko.

"Why won't you let me go home?!" Frustrated na sabi ko.

"Yumie, the Doctor still needs to monitor you-"

Agad kong pinutol si Zell.

"I understand that but may mga Doctor naman sa Manila, ah? And besides, I am fine already... Pauwiin niyo na ako," pakiusap ko. "Zell, pauwiin mo na 'ko."

The nurse excused herself. Troov sighed while Zell looked away, thinking something.

"Kailangan mo magpahinga muna. We'll get you out of here as soon as possible." Si Troov naman.

Napabuntonghininga ako at pumikit ng mariin. Nang dumilat ay problemadong napatingin sa kanila.

"Is my Mom okay? Hinahanap na ako no'n. Paniguradong gising na siya kaya kailangan ko na talagang umuwi."

Nakita ko ang paglunok ni Troov at pagtikom niya ng bibig. Si Zell naman ay bumuntonghiningang tumingin sa'kin, mukhang nahihirapan sa kung ano. I sensed something weird.
Bahagya akong kinabahan kaya lumakas ang tibok ng puso ko.

"Is my Mom okay?" Ulit ko. Bakit ba hindi sila sumagot? "Kamusta na ang kalagayan niya?"

Napalunok ako nang walang sumagot agad. Mas lalo lang akong kinabahan na baka may masama ngang nangyari habang wala ako sa tabi niya.

"She's okay. Now rest, Yumie. You need to rest," ani Troov. Napahinga ako ng maluwag dahil doon.

"I'm fine already. Bakit ba gustong-gusto niyo akong pagpahingahin?"

"Sumunod ka na lang, Yumie, para mas mapadali ang paglabas mo rito, okay?" Zell's voice calmed me a bit.

Tumango na lang at at sandaling pumikit ng mariin.

"How's Klenth?" Mas kumalabog ang puso ko. "Si Axiesse? Si... Sasha?"

"Yumie, stop it. H'wag mo na munang alalahanin 'yan..."

"Zell, knowing their conditions will calm me unless there's something really bad happened while I'm asleep?"

Hindi ko alam kung ilang araw ba akong tulog o walang malay. The last thing I remembered before passing out was Klenth's voice echoing in my mind. Akala ko nga hindi na talaga ako magigising at impyerno na ang bagsak ko.

I licked my lips. Kahit nakainom na ako ng tubig pagkatapos magising ilang oras ang nakalipas, nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. The Doctor said that I need to be hydrated. Ilang nurse na rin ang pabalik-balik sa kuwartong ito.

"Troov, report to me. Okay na 'ko. Report to me..." Seryosong sabi ko.

Nagkatinginan sila ni Zell pero sa huli ay tumalima na sa sinabi ko. Troov reported to me... Including the conditions of the injured agents... total deaths of involved and other stuffs. Isang kamatayan lang talaga ang hindi ko malaman kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon