CHAPTER 7

43.3K 1.8K 527
                                    

◆◇◆

Sasha's POV

---

"Ano ba naman 'yan..." Inis na bulong ko nang ilang beses kong tinawagan ang cellphone ni Yumie pero hindi niya pa rin sinasagot.

Sinubukan kong tawagan si Zell pero ganon pa rin. Mabuti nalang nang tumawag ako kay Axiesse ay sinagot niya na.

"Oh?"

"Nandyan ba sila Yumie at Zell?" Tanong ko.

"Wala naman. Bakit?"

"Hindi ko kasi sila ma-contact. Tsaka...may ibabalita lang sana ako sa kanya."

"Ano?"

"Kay Zell. May ibabalita ako sa kanya..."

"Ano naman?"

"Basta... Malalaman mo rin 'yon."

"Okay."

"Gala tayo? Gusto kong bumili ng sapatos."

"Ngayon pa talaga? E, Busy ako."

"Grabe ka naman!" May tunog pagtatampong usal ko. "Ngayon na nga lang eh!"

"Busy pa ako."

"Ano bang ginagawa mo?" Halos sigawan ko siya sa inis. Ngayon na nga lang ako magyayaya pagkatapos ng limang taon tapos inayawan pa niya.

"Busy hacking some files we could use to our mission. It'll be very useful if I get more documents especially if I'd dive in those web using my skills..."

"What?" Is she talking about those dangerous webs na tatahakin niya to get some deep and unexplainable informations?

"Just let me. I can do this, no sweat." Ramdam ko ang pagngisi niya.

"Okay. Gusto mo cheer pa kita dyan e."

"Tssh. Manggugulo ka lang."

"Hoy grabe ha!"

"Sa susunod na. Libre ko," aniya.

"Tatandaan ko 'yan, Axiesse! Siguraduhin mo lang! Sige na, bye!" Sabi ko at mabilis na tinapos ang tawag.

Nasa bahay pa ako. It's already one in the afternoon nang makaligo. Nag-ayos kaagad ako matapos at umalis ng bahay. Si Segeon ay paniguradong nasa kwarto niya lang habang ang mga magulang ko ay nasa kompanya.

Driving my car, I maneuvered it until I arrived in front of a tall building. Pinark ko ang sasakyan sa tapat ng matayog na gusali. Sigurado akong nandito sa loob si Yumie lalong lalo na nang makita ang mga taong may dalang camera dito sa labas. Most of them are holding their cameras. Ang iba naman ay microphone o di kaya'y cellphone. Mukhang may hinihintay silang lumabas. Hindi rin nakatakas sa'kin ang maraming tao sa gilid, halos mga babae. May hawak silang mga karatula at ang iba ay tarpaulin.

Lumabas na ako ng sasakyan. Gusto kong ikunot ang noo nang magsilingunan ang mga tao sa'kin. Ang iba ay tumingin lang at binalewala na ang aking presensya pero ang iba ay tumutok talaga. Tumikhim ako at nagsimulang maglakad papasok habang tinitingnan ang mga karatula at tarpaulin na dala ng mga tao.

Tumaas ang isang kilay ko at namangha. These are the fans of Yumie. Ang iba ay kay Wayne. Wait, nandito si Wayne sigurado! Ang dami nilang fans kahit dito pa lang sa labas ng building.

Hindi ko na sila pinansin. Nagtuloy tuloy lang ako hanggang sa makapasok. Binati kaagad ako ng guard.

"Good moring, ma'am."

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon