CHAPTER 44

39.3K 1.6K 880
                                    

★☆★

Napaawang ang mga labi ko at unti-unting bumibilis ang paghinga. My eyes glued at the stage where Wayne just sang the first line. The first line that threw me back to a memory five years ago.

Tumindig ang balahibo ko at nanggigilid ang mga luha but then I have to stop myself from feeling anything because of the song. Ayokong maging assuming na para sa akin ang kanta. Ayokong isipin na may koneksyon iyon sa akin o sa aming dalawa.

"And began to change myself

I was a playboy before who don't beg for kisses

Our eye contacts and my exploding heart

She had that power to me

Oh, I can't believe that..."

Napalunok ako. May kung anong bumara sa aking lalamunan. Naramdaman ko ang bahagyang paglingon sa akin ni Axiesse but I'm too busy looking at stage so throwing my attention to her didn't come.

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iisipin ko. Ang kantang 'yon ay may kinalaman sa'kin o parte lang ng pagiging mang-aawit niya? He could use his past experience to write a song... and I think he really used it and he's singing it now, only that, with no feelings poured while writing and performing it. Pero ang alam ko, mas napapaganda ang kanta kapag naisulat at naiawit ito ng may pinanghuhugutan o inspirasyon.

O masyado lang talaga akong assuming at hindi na namamalayan ang sarili na umaasa na naman?

You stop it, Stawnzell! May Vaniella na siya. Nagmo-move ka na. Hindi mo na kailangang isipin ang mga bagay na ito. May kinalaman man sa'yo o wala, dapat wala ka ng pakialam!

Yeah, right!

"Liqours and girls I avoided

Her lips and her eyes I craved for

Like a slave

And I want to be saved

But she made me fall more

And that's okay

I like it, anyway..."

Hindi maalis ang tingin ko sa stage. Nagtilian at naghiyawan ang mga tao, probably so amazed in his new song. May narinig pa akong pumiyok sa audience sa sobrang pagsigaw ng damdamin niya.

Huminga ako ng malalim at mas lalo pang itinuon ang pansin sa kaniya. Ramdam ko ang mabilis pa ring pag tibok ng aking puso. Ramdam ko ang bigat doon. Ayoko mang aminin sa sarili... pero nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin dahil sa kaniya sa kabila ng maraming taon.

If only things were not that complicated, I would've not let him go. I would've not hurt him and pushed him away... but this is what happened.

Naalala ko ang mga rason ko kung bakit ko siya tinulak palayo. My family did not want him. They wanted Yvo Gibrel. Ako ang makakahila kay Wayne pababa, pabagsak. Ako ang maglalapit sa kaniya sa pamahak kapag hinayaan ko dahil kabilang ako sa isang organisasyon. Isa na rin siguro sa mga rason kung bakit pagkatapos ng limang taon ay wala akong nagustuhang ibang lalaki ay dahil siya pa rin... at dahil alam kong wala akong ganang magustuhan ang iba dahil kapahamakan lang ang maidudulot ko.

Ang hirap makausad sa kaniya. I remember when we were having our facetime every night back when I was in high school. I remember the flowers he gave me back in the time that he was still courting me. I remember our short dates, talks and staring moments. Mapait akong napangiti sa mga aalala na malabo nang maranasan ulit.

Royalties in Our Hearts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon