Chapter 49

2.4K 85 21
                                    

Pagkatapos magpunta sa chapel ay muling tinungo ni Vince ang silid kung saan naroroon ang asawa. Ayaw pa nga siyang papasukin ng nurse dahil pasado ala-una na ng madaling araw at mahigpit na ipinagbabawal na istorbohin ang mga pasyente na nasa I.C.U. ngunit dahil sa kaniyang pagpupumilit at pagmamakaawa ay pinayagan siya nito na makadalaw kahit sampung minuto lang.

Sakay ng kaniyang wheelchair ay pumasok si Vince sa loob ng silid at muling kinamusta si Claire. Sa bawat araw na mga nagdaraan ay sinisigurado niyang pinupuntahan niya ang kaniyang asawa at binabantayan ito sa abot ng kaniyang makakaya. Kung tutuusin nga ay pupwede naman na sana siya makalabas at magpahinga na lang sa bahay dahil maayos na ang kaniyang lagay at magpapagaling na lang siya mula sa mga sugat na natamo. Pero mas pinili niya na manatili sa hospital at tuparin ang pangaka sa dalaga na hindi siya aalis roon hanggat hindi ito kasama.

"Sorry, I look like a mess right now." Pagbibiro ni Vince habang pinupunasan ang namamasa pa rin niyang mga mata. "Siguro kung nakikita mo kung gaano kadumi tong suot ko ngayon baka binatukan mo na ako, Misis." Natatawa pa niyang sabi ng maalala kung papaano tinopak ang dalaga noong minsang umuwi siya na marumi ang damit dahil sa natapon na pagkain.

"Alam mo ba nagpunta ako sa chapel kanina. At first I don't know why, basta ang alam ko ay galit ako at naghanap ako ng masisisi kaya doon ako nagpunta. I had no one to blame, so I blamed God for all this. I know it's wrong and I admit that. Hindi ko dapat isinisi sa Diyos ang mga maling desisyon na ako naman ang gumawa." Nahihiyang pag-amin nito sa pagkakamaling nagawa. "But you know what I realized after that? I realized how important faith is. When I was inside the chapel naisip ko na hindi ako dapat sumuko kahit anong hirap ng pinagdadaanan ko. I realized how important it is to hold on, na wag kung bibitawan ang bagay na nagpaparamdam sa akin na buhay ako. Most importantly, I realized that even the best fall down on their knees sometimes. Not as a sign of defeat but as a sign of accepting that not everything is within our control." Hinakawan niya ang kamay ni Claire at saka hinalikan iyon ng ilang ulit. "It's because of you. Dati tinuruan mo akong magmahal at magtiwala ulit ng akala ko wala ng tatanggap sa akin. You gave me light when my heart was in a total eclipse of pain and sadness. Hanggang sa tinuruan mo ako maging matapang at malakas at the time when I had so much pain in my heart dahil sa lahat ng kasinungalingan sa buhay ko. And now, kahit na wala kang malay, you still helped me. You unbreak my heart from all the doubts I have for myself and cleared ambiguity there is in me."

Mula sa bulsa ng suot niyang damit ay may kinuha si Vince. "Naalala mo ba to, Misis?" Sabi niya ng ipakita ang kanilang wedding ring na ibinalik sa kaniya ni Claire noong nagkaroon sila ng malaking away. "Itinabi ko to. Lagi ko tong dala mula noong ibalik mo to sa akin. Kahit saan ako magpunta dala ko palagi tong singsing mo kasi umaasa ako na babalik ka sa akin, Claire... Umaasa ako na babalik sa akin ang asawa ko. Kahit walang kasiguraduhan... Kahit di ko alam kung tatanggapin mo pa ako ulit... Pero umaasa ako na babalik ka kasi pinanghawakan ko yung pangako na binitawan natin sa simbahan. Alam ko, naniwala ako... Babalik ka."

Muli ay kinuha ni Vince ang kaliwang kamay ni Claire at bago tuluyang isinuot sa daliri nito ang singsing ay inulit niya ang wedding vow at ang pangako na binitawan niya ng pakasalan ang dalaga. And that's when a river tears started rolling down his face. "I, Vincent Grecko Hendelson, take you, Marie Claire Gonzales, to be my wedded wife. I will take your love to give me hope, give me joy, and make me a better man. I promise to listen, to hear, and to always consider your feelings and thoughts as we travel together on this journey. I vow to love, honor, and cherish you, forsaking all others, as a faithful husband as long as we both shall live; and thereto I pledge my faith and myself to you. To have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part." And that's when he put the wedding ring back again on her finger. "I love you, Claire... I will always love you, whatever it takes..." Pangako pa niya at saka hinalikan ang singsing na nasa kamay ni Claire bilang selyo ng panghabang-buhay na pangako.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now