Chapter 45

2.1K 67 8
                                    

Pagmulat ni Vince ng kaniyang mga mata ay ang nakakasilaw na liwanag ng ilaw mula sa kisame ang unang sumalubong sa kaniya. He tried moving his body, but no matter how much effort he made, he literally can't control it. Pakiramdam niya ay para bang paralisado ang buong katawan niya at ayaw sumunod sa ano mang inuutos ng kaniyang isipan.

"H-help..." halos hangin lang ata ang lumabas sa kaniyang bibig ng sabihin ang salitang iyon. Ngunit sapat na pala simpleng salita niyang iyon para makuha ang atensyon ng kung sino man ang tao sa kaniyang paligid.

"Vince? Oh God, Vince, you are finally awake!" Sabi ng boses ng isang lalake na halatang hindi makapaniwala na makita siyang may malay.

At nang makapag-adjust ang mga mata niya ay saka lang niya nakilala na ang lalakeng nakatayo sa kaniyang tabi ay walang iba kundi si Stefan.

"Stef..." banggit niya sa pangalan ng kapatid. Hirap pa rin siya magsalita na tila ba tuyong-tuyo ang kaniyang lalamunan.

"Wait, give me a second. I'm gonna call the nurses and doctors." sabi nito at nagmamadaling lumabas ng pinto.

Ilang sandali lang ay pumasok na sa silid ang dalawang nurse, at ilang segundong pagitan lang ay pumasok na rin ang doctor. Isa-isang chineck ng mga ito ang kaniyang vital stats at sinuri ang kaniyang katawan at sinigurado kung may iba pa siyang nararamdaman o kung maayos ba siyang nakakakita.

"I'm glad you are finally awake." napapangiting sabi ng lalaking Doctor, "It's good to have you back with us, Mr. Hendelson." bati pa nito at ganoon din ang dalawang nurse.

"Thank you." Halos bulong na lang ata ang pagkakasabi niya.

"You are a one lucky man, Mr. Hendelson." Nakangising biro ng doctor niya. "For the mean time ay mas makakabuti kung magpahinga ka pa rin muna hanggang umayos na nang tuluyan ang pakiramdam mo. Makakaramdam ka pa rin ng pananakit ng katawan, pagkahilo, at panghihina but that's all normal dahil nasa early stage of recovery pa ang katawan mo. But you are now back in a safe and normal condition as we speak."

Dahil hirap kumilos at magsalita ay simpleng pagpikit na lamang ng mata ang ginawa niyang senyales bilang tugon ng pagsang-ayon sa sinabi nito.

Pag-alis ng mga ito ay bumalik naman muli si Stefan sa loob ng silid at sa pagkakataong iyon ay kasama na nito ang driver nitong si Aly na may bitbit na mga pagkain at tubig.

"Natawagan ko na sina Mommy and Dady, papunta na sila dito pati sina Kuya." imporma pa nito na halata ang excitement at saya sa mukha.

"Tubig" tangi niyang nasabi.

"What?" Ulit na tanong ni Stefan at inilapit pa nito ang tainga sa kaniyanh bibig para marinig ang kaniyang sinasabi.

"Tubig... Pahingi ng tubig..." Gabulong sa hangin na lang niyang nasabi.

But gladly, Stefan managed to understand what he was saying at agad nitong kinuha ang bote ng mineral water at tinulungan siya na makainom, "Here you go."

Pakiramdam ni Vince ay sabik na sabik ang kaniyang katawan sa tubig kaya ng lumapat iyon sa kaniyang lalamunan ay dinire-deretso niya ang pag-inom hanggang sa makuntento siya. Kung gaano katagal siyang tulog at nagpapagaling ay hindi niya alam, but he sure as hell knows that his body is screaming for water and food. He felt so relieved and so refreshed matapos makainom ng tubig.

"Thank you." Sinserong pasasalamat niya sa kaniyang kapatid.

"Nakausap ko na rin ang doctor mo, ang sabi niya ay mas mabuti na magpahinga ka muna ulit. Kapag nagising ka ulit mamaya ay mas magiging maayos na raw ang pakiramdam mo. They will also provide you some with some meds later."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now