Chapter 6

2.7K 72 5
                                    

"Okay, I think that's good for now. Let's all take a lunch break and resume in an hour." sambit ni Claire sa hawak na bluetooth pods kausap ang anim na naka-assign na head personnel sa inaasikaso nilang event sa Subic.

Mula umaga ay busy na sila sa pagset-up at pagrereview ng mga gagamiting camera, backdrops, and at kung ano-ano pang mga kakailanganin sa malaking event na kanilang gagawin bukas. Ang wedding event na iyon ay tinaguriang wedding event of the year kung saan ay ikakasal ang isang TV network owner sa isang dalagang politician, na anak ng isang kilalang business tycoon, at ang naipiling media partner ng nasabiling kasal ay ang kumpanya nina Claire. Nagkataon kasing kaibigan ni Chris Hendelson ang TV network CEO at kaibigan naman ni Amanda ang babaeng politician kaya hindi naging mahirap para sa mag-asawa ang nasabing malaking event.

Nagkataon lang na busy din si Amanda sa business meeting nito kaya't sa kaniya ibinilin nito ang pag-oversee ng buong event. Sa lumipas na dalawang taon mula ng magtrabaho siya sa kompanya ni Amanda ay nakuha niya ang tiwala at paghanga nito, kaya naman ay hinahayaan na din siya nito na kumilos mag-isa kung minsan. 

Hindi rin naman naging madali ang kaniyang trabaho sa lumipas na dalawang taon. Hindi dahil asawa ni Chris, ang nakakatanda sa magkakapatid na Hendelson, ang boss niyang niyang si Amanda ay magiging prente na siya sa kaniyang trabaho. Kung tutuusin nga ay mas naging pressure pa iyon dahil mas kinailanganan pa niyang patunayan lalo rito na kaya din niyang tumaya sa sariling paa, at hindi siya aasa sa yaman ni Vince dahil lang nabuntis siya nito. Never niya aasamin ang pera at koneksyon nito. 

Kaya naman sa tuwing magkakaroon ng pagkakataon na mabigyan siya ng event gaya ng sa ngayon ay pilit niyang sinisigurado na magagawa iyon ng maganda at maayos. At sa lumipas naman na ilang taon na pagtatrabaho niya ay palaging maganda ang resulta kaya't unti-unti ay nakuha rin niya ang paghanga at respeto ng mga katrabaho.

"Ms. Claire, kakain po muna kami doon sa may korean restaurant sa baba, sasama po ba kayo?" alok ni Pamela, isa sa mga junior executive assistant na kasama niya sa event.

"Sige, sandali lang, aayusin ko lang sandali gamit ko." nakangiting tugon niya sa dalaga.

"Ay, feel ko ililibre tayo ni Ma'am Claire!" segway ni Ivan, ang creatives assistant na isa rin sa anim na kasama niyang staff. 

"Feel ko din talaga!" sang-ayon ng iba pang staff niya na sina Mich, Tin, Duki, at Lina.

"Ano pa nga bang magagawa ko?" natatawa at naiiling na pagpayag na lang ni Claire. "Sige na, tutal maayos naman ang mga nagawa natin ngayong umaga kaya sige libre ko na."

Pagkasabi niyon ay nagdiwang ang lahat at nagkanya-kanya pa ng pagpaparinig ng mga oorderin na pagkain. Kung tutuusin ay hindi naman na nila kailangan kumain sa ibang lugar dahil merong prinovide na meals ang kanilang kompanya para sa kanilang lahat na coordinator, utilities, and working staff. Kaya lang, dahil maganda naman ang nakikita niyang resulta sa trabaho ng mga ito, sige ililibre na lang niya.

Ngunit natigil ang kanilang pagsasaya ng mula sa pinto ng kanilang tinutuluyan na temporary office ay biglang lumitaw ang imahe ng isang makisig na lalake. Bagay na hindi inaasahan ni Claire.

"Hi, everyone." magalang at nakangiting bati ni Vince sa lahat pagpasok nito.

"Hello, sir Vince!" bati naman ng lahat. Base sa itsura ng mga ito ay akala mo kinikiliti ang mga ito. Iyon bang parang uod na binuhusan ng asin dahil sa di mapigilang pagkakilig.

"Anong ginagawa mo dito?" magkasalubong ang kilay at nakapamewang na bungad niya sa kadarating lang na binata. Base sa itsura nito ay mukhang hindi naman ito galing sa isang business meeting. Nakasuot lang kasi si Vince ng white sneakers, black na denim jeans, at blue t-shirt na may tatak pa ng superman sa harapan. And damn, he really look exactly like Superman. Para itong ang alter ego in human form na si Clark Kent.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now