Chapter 31

2K 65 2
                                    

Dala ng pagkainis sa inaakto ng asawang si Vince, napagpasyahan ni Claire na lumabas na lamang muna at magpahangin. Paano ba naman kasi ay mula ng matapos ang meeting nito at puntahan siya sa canteen kaninang tanghali ay wala na itong ginawa kundi dedmahin siya o di kaya naman ay itratong siyang tila estranghero dahil sa mga kakarampot nitong sagot sa tuwing magtatanong siya.

Nang mananghalian sila ay para silang mga first time lang nagkita dahil ni ha ni ho ay hindi siya iniimik ng lalaki. Sinubukan niya magsimula ng topic pero agad itong nagpakita ng pagiging hindi interesado sa kaniyang mga sinasabi. Ang mas nakakainis pa ay nang habang nasa byahe sila pauwi at subukan niyang tanungin kung may problema ba ito ay tinignan lang siya nito at binigyan ng tipid na pag-iling.

"Masama bang maging concern?" Pagkausap ni Claire sa kaniyang sarili habang kumakain mag-isa ng nabiling Nachos at burger mula sa food stand na naroroon sa park na may dalawang building lang ang layo sa kanilang tinutuluyang hotel. Doon siya dinala ng kaniyang paa dahil nakita niya ang masasayang mga bata na naglalaro sa playground.

Siguro ay dala na rin ng pagiging isang Nanay kaya sa tuwing makakakita siya ng mga naglalarong bata ay mabilis na naiibsan o nawawala ang ano mang mga problema na gumulo sa kaniyang isap at damdamin... Gaya na lang nga ng sitwasyon niya ngayon.

Noong una ay gusto sana patulan ni Claire ang ipinakikitang ugali ng asawang si Vince, kaya lang ay napagtanto niya na marahil ay napagod lang siguro ito ng husto sa nangyaring business presentation. Hindi nga ba't saksi naman siya sa dami ng mga nakita nitong butas o mali sa mga naunang nagprisinta ng plano. Isabay pang kulang-kulang tatlo o apat na oras lang ang kabuuang tulog nila mula kagabi hanggang kaninang umaga dahil maaga rin silang gumising para sa byahe patungo si Palawan. Ni wala nga silang pagkakataon para umidlip man lang.

Akala niya dati ay madali lang ang trabaho ng isang may-ari ng business. Tipong magpetiks lang at maglaboy sa iba't ibang bansa o kaya hihiga ka lang sa bahay ay may pera ka na. Hindi pala ganoon iyon ka-simple. Lalo nang masaksihan niya sa meeting kung paanong ang isang simpleng maling plano ay pwedeng makasira ng isang buong business. It must be a really tough job running a billion worth company lalo na nga at napakarami ng taong nagtatrabaho sa loob ng Hendelson Empire.

"Sige, fine. Pagod lang yun. Deadma na." Aniya matapos ang ilang ulit na buntong hiningi. "Hindi ka pa nasanay, Claire. Dati pa naman topakin yun diba." Ulit niyang paalala sa sarili.

Ilang ulit rin siyang nag-type at nagbura sa kaniyang cellphone dahil balak sana niya na iinform si Vince kung nasaan siya para hindi na ito madagdagan ng alalahanin. Kaya lang ay wala rin naman siyang maisip na sabihin kaya napagpasyahan niyang hindi naman na lang ito itext nang sa gayon ay mas makapagpahinga at makapag-isip.

Habang nilalantakan ni Claire ang kaniyang burger ay naalala na naman niya si Patrick. At first she was hesitant talking to him pero sa lumipas na ilang minuto ay napalagay na rin ang loob niya sa presensya ng binata. Lalo na ng magsimula itong magkwento tungkol sa mga kaganapan sa buhay at kung ano ang plano nito sa future. Lalo na ng sabihin nito na malapit na rin itong ikasala at nang ipakita nito ang litrato kasama ang babaeng mahal nito. Ganoon din naman siya, nag-enjoy din siya na ikwento rito ang tungkol sa mga malalaking pangyayari sa buhay niya. Everything about them is just pure friendship, walang kahit ano.

Ang buong akala nga ni Claire ay baka nagseselos si Vince kay Patrick. Pero mabilis napalitan ang ideya na iyon ng mananghalian sila at diretso niyang tanungin si Vince ng tungkol kay Patrick, hoping na baka makita niya nga ang selos sa mukha nito, but she failed.

All he had was a poker face and that non-chalant response. Halatang hindi ito interesado at walang ni katiting na pakialam kay Patrick. Sinabi rin ni Vince sa kaniya ng diretso ang tungkol doon.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now