Prologue

10.1K 141 33
                                    

"We're home." Sambit ni Vince ng makarating sila sa harap ng kulay puting gate kung saan ay bumungad ng pagbati sa kanila ang isang lalake na naka-uniform, ito marahil ang isa sa mga security guard na bantay ng malaking bahay na iyon. "This is where we will be staying for good now." sambit pa nito nang makagarahe na ang kanilang sasakyan sa loob.

"Dito?" Taas kilay na tugon ni Claire habang pinagmamasdan mula sa loob ng sasakyan ang harapan ng bahay at ang garden kung saan ay naroroon rin ang isang swimming pool, "Dito sa bahay na rin ba na to mo dapat ititira si Elizabeth?" Maangmaangan na tanong pa niya habang pinagmamasdan ang magarbong bahay.

"Kailan ka ba talaga titigil kakaulit ng pagbanggit sa pangalan na yan?" Iritadong reaksyon ng binata sa kaniya ng tapunan siya nito ng masamang tingin. "You're really getting on my nerves Claire, wag mo isipin na hindi ko napapansin na kanina mo pa ako sinasadyang asarin. And right now I am seriously pissed off." nagtitimpi at namumula na ang mukha sa inis na kastigo nito sa kaniyang inaasal.

Pero parang batang walang narinig si Claire dahil patuloy lang siya sa pang-aasar sa kinaiinisang lalake. Paano ba naman kasi'y bigla na lang itong sumulpot sa kanilang bahay at tinakot siya ng kung ano-anong legal na bagay, at alam niyang kahit labanan niya ito ay matatalo lang din siya sa huli kaya naman wala na ring siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito at magpaubaya kahit labag iyon sa kaniyang kalooban.

"Nagtatanong lang ako. Wag kang OA mag-react." Depensa ni Claire sabay irap. Pero deep inside ay nagtatatalon siya sa saya at kakatawa na makitang napipikon ito. Buti nga sayo! Deserve mo yan! Humanda ka dahil mas maraming sakit ng ulo pa ang ibibigay ko sayo. Pangako niya sa sarili. Hindi siya titigil hangga't magsawa ito at palayain na siya ng kaniyang mga anak at muling mamuhay ng wala ito.

"Pwes hindi ako natutuwa sa paraan ng pagtatanong mo. Kung wala ka rin lang naman sasabin na maganda, much better siguro na tumahimik ka na lang. Wala akong oras pakinggan yang pagkaisip-bata mo Claire." Yamot na turan ni Vince na halatang ayaw magpatalo sa kaniya. Like always, bossy at maikli pa rin ang pasensya nito katulad noong namamasukan pa lang siya na personal maid nito.

"Pwes hindi rin ako natutuwa sayo, in fact nabubwisit pa nga ako sayo." pagtataray niyang ganti sa kagaspangan ng ugali nito. "Isa pa, sino bang nagsabi sayo kung nasaan kami? Ni Hindi mo nga sinabi o ipinaliwanag kung bakit bigla ka---"

"It's Michael," sabat ni Vince ng di siya pinatatapos sa pagsasalita, "He told me." pagtatapat pa nito sabay taas ng tila isang Mini Car key chain na nakasabit sa Car Key nito, at hindi lang pala iyon basta isang Key Chain dahil isa pala iyong USB.

"Sabi na nga ba." Gigil at nagsisimulang bumangon ang galit na reaskyon ni Claire sa ginawang iyon ng bwisit na lalake. At dahil wala ang presenya ni Michael ay si Vince na lang ang napagbuntunan niya ng kaniyang inis. "Pareho talaga kayong bwisit ng lalakeng iyon. Alam mo kung hindi ka naman sana sumulpot, sana maayos kaming namumuhay ng mga anak ko ngayon!"

"Alam mo kanina pa ako nagtitimpi sayo ha, kapag hindi mo itinikom yang maingay mong bibig hahalik kita diyan!" pagbabanta ni Vince na mabilis pang inilapit ang sarili sa kaniya, ang kanang kamay nito ay na sa kaniyang bewang at hinila ang kaniyang katawan papalapit rito. At ang mukha nito ay halos isang dangkal na lang ang layo sa kaniya. "Sige, may sasabihin ka pa?" may panunuksong sambit nito habang nakatitig sa kaniyang mga mata. "Ngayon ka magsalita Claire." dagdag na hamon pa ni Vince.

At dahil hindi alam ang gagawin at mas lalong pigil ang sarili sa pagsasalita dahil sa takot na bigla siyang sunggaban at nakawan na naman ng halik tulad ng ginawa nito kanina ay agad na itinikom ni Claire ang kaniyang labi. Ang tanging nagawa na lang niya ay sampalin sa pisngi si Vince, hindi lang dahil sa kapangahasan nito kundi dahil sa kakaibang kaba sa dibdib at bilis ng tibok ng puso na dulot nito sa kaniya.

"Mama, away kayo ni Papa?" Biglang sabat ng isa sa kambal na si Lucho na naroroon sa likod na upuan katabi ang kakambal na si Dreico.

Bigla naman na-guilty si Claire ng makita ang lungkot sa mukha ng anak na si Lucho na halatang nagising dahil sa pagbabangayan nila ni Vince, habang si Dreico naman ay inosente at nakatitig lang sa kanila ni Vince na halatang kagigising lang din at walang kaalam-alam sa nangyayari. Pero kahit na ganoon ay bakas sa itsura at reaksyon ng kambal na tila ba apektado ang mga ito at hindi gusto ang nasasaksihang tagpo sa pagitan nila ni Vince.

Mabilis na itinulak ni Claire si Vince upang bigyan ng pagitana ng kanilang mga sarili. "No, no baby. Nag-uusap lang si Mama at si Tito." mahinahong paliwanag niya upang burahin sa isipan ng anak ang kung ano mang iniisip nito na awayang nasaksihan. Lalo't hindi niya gustong makita o marinig ng dalawa ang hindi nila pagkakasunduan ni Vince.

"Mama, hindi Tito, he's Papa!" paalala ni Lucho sabay turo kay Vince. "We love Papa. Diba Dreico?" sabay ngiting sambit nito at tingin sa kakambal upang humihingi ng suporta sa sinabi.

"Yes, Yes." malapad ang ngiti na sang-ayon ni Dreico. "Mama love mo si Papa?" tanong naman nito ng tumingin sa kaniyang direksyon.

Alanganing napangiti si Claire sa tanong na iyon ng anak na si Dreico. Hindi niya alam kung papaano sasagutin iyon lalo't naroroon pa sa harapan nila si Vince na nang lingunin niya ay matamang nakatitig sa kaniya at nakangisi pa na halatang na-eenjoy ang eksenang iyon. "Oo nga, hindi mo ba ako love... Honey?" dagdag na pang-aasar nito na animo'y nararamdaman ang tila torture na tanong ng anak. Mukhang alam na alam nito nadi niya kaya magsinungaling sa mga bata kaya't nilulubos nito ang pagkakataon na makaganti ng asar sa kaniya.

"Honey mo mukha mo!" nakairap at nakangusong pambabara sabay amba na tila susuntukin ito.

"Mama hindi mo love si Papa..." magkasabay na sambit nina Lucho at Dreico na halatang maluha-luha pa na makitang inaaway niya si Vince.

"Lagot ka pinaiyak mo." patay malisyang paninisi ni Vince na kunwari'y wala itong alam sa nangyari.

"Hayyy, kanino ba kayo nagmana?" mahina't halos bulong sa hangin na komento ni Claire sa sarili dahil hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag sa dalawang ito ang kasulukuyang sitwasyon nila ni Vince. Ngunit ng makita niya ang pagpahid ni Lucho ng luha sa mata nito ay mabilis siyang na-guilty, pakiramdam niya'y dahan-dahang nababasag ang kaniyang puso, kaya naman upang pasayahin ito ay sinagot na lamang niya ang tanong na iyon ng kambal na anak "Syempre love ni Mama si Papa." may pekeng ngiti sa labi na sagot niya ng harapin ang dalawa. "Love na love." malambing pa niyang ulit upang kumbinsihan ang kambal na totoo ang kaniyang sinasabi. "Nag-uusap lang kami, hindi kami nag-aaway... diba Honey?" aniya sabay panlalaki ng mata kay Vince bilang senyales na sumang-ayon na lang ito sa kaniyang sinasabi upang pagaanin ang loob ng kambal.

Mabuti na lang at nakuha ni Vince ang kaniyang ibig sabihin kaya't dali itong sumang-ayon at nakisakay sa kaniyang sinabi. "Yes, we're not fighting. Love ni Mama si Papa." pag-uulit pa nito sa sinabi niya kanina ngunit sa pagkakataong iyon ay may pahid ng panunukso at pang-aasar iyon para sa kaniya. Pero ang hindi niya inasahan ay nang bigla siyang nakawan na naman ng halik ng binata, at sa pagkakataong iyon ay sa harapan pa ng kanilang mga anak. "Ayan bati na kami ni Mama." may ngiti sa labing sabi pa nito na agad naman ikinasaya ng dalawa.

At sa ikalawang pagkakataon ay para na namang estatwa si Claire na hindi alam ang magiging reaksyon sa ginawang iyon ni Vince. Napahawak na lang siya sa kaniyang labi at napatunganga na para bang nananaginip siya ng gising, na tila ba isang biro lang ang lahat ng ito ngayon. Ni hindi nga niya namalayan na nakababa na pala ng sasakyan ang binata at ang kambal.

"Hey," tawag ni Vince ng buksan nito ang pinto ng sasakyan sa kaniyang side, "Kailan mo ba balak bumaba diyan? Papasok na kami ng mga bata sa loob." biglang balik sa malamig na pakikitungo na naman nito sa kaniya. "Sumunod ka na lang sa loob." anito sabay walang modo na sarado ulit ng pintuan kahit hindi pa man siya nakakababa. Naiwan tuloy siyang mag-isa sa loob niyon na parang ewan.

"Naku! Bwisit ka talagang lalake ka!" gigil na reaksyon ni Claire na napapasabunot pa sa sarili. Naiinis siya na sa isang iglap lang ay napapaniwala siya ni Vince na totoo ang nararamdaman nito sa kaniya. "Sinabi na nga ba at palabas lang lahat ng yun..." may bahid ng lungkot na sambit niya sa sarili kasabay ng ilang malalim na buntong-hininga. "Wag ka na magpapaniwala sa lalakeng yun Claire, malabong mahalin ka nun." Sa huli'y wala na siyang nagawa kundi ipaalala sa sarili na isang malaking palabas lang ang pagsasama nilang ito, at lahat iyon ay para sa maganda't maayos na buhay ng kanilang mga anak.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now