Chapter 11

2.2K 65 8
                                    

"Ikaw na ata ang pinakamagandang naayusan ko sa buong buhay ko!"

Hindi na pinansin ni Claire ang walang patid na papuri ng make-up artist na nag-aayos sa kanya. Mas abala kasi siya sa kanyang isinusulat sa maliit na notebook.

Today is her wedding day. Sa lumipas na isang lingo ay hindi nila pinag-usapan o plinano ni Vince ang tungkol sa kasal nila. They never talked kung anong mga detalye ang kailangan sa kasal. Basta sinabi na lang nito sa kaniya kung kalian ang kasal. That's it. At dahil din doon kaya ngayon ay heto siya at binabasa ang official contract ng mga kundisyones na binigay niya bago ang kasal nila.

Vince had done the same. Nagbigay rin ito sa kanya ng listahan nito ng mga kondisyones oras na maikasal sila hanggang sa maghiwalay sila.

"Ano bang gusto mo, nakataas ang buhok mo pa-bun, nakatali, nakalugay, o kulutin na lang natin?"

"Bahala ka na po." Kasal-kasalan lang naman to, hindi naman kailangan magpaganda ng sobra. Tumabon sa mukha ni Claire ang manipis na tela ng kanyang belo. Subalit di pa rin siya tumigil sa pagrereview ng nasa kontrata nila. "Gusto ko ng sariling kwarto at bawal pumasok sa kuwarto ko...Hmm, ano pa kaya?" At nang may maisip ay agad niyang isinulat iyon sa papel. Ipapadagdag niya iyon kay Vince sa kanilang kontrata. "Ah! Alam ko na, bawal manghiram ng kahit na anong gamit ko. Kutsara, tinidor, pinggan, tuwalya, toothbrush, unan, kumot, charger, ballpen, lapis, papel, suklay, pati barya sa wallet ko tsaka pati short ko, damit, pati panty at bra na din."

Malapad siyang napangiti sa kanyang mga huling sinulat. Ano kaya ang magiging reaksyon ng kolokoy na iyon kapag nabasa itong listahan niya?

Wala. Manhid pa sa bato iyon, eh. Asa ka naman masyado!

Pero hindi pa rin niya iyon binura. Gusto lang niyang makapang-asar. Tapos na siyang ayusan ng makeup artist at naiwan na rin siyang mag-isa sa silid na iyon ngunit hindi pa rin siya tapos sa kanyang ginagawa. Kanina pa nananakit ang likod niya dahil sa pananatili sa kinauupuan habang inaayusan kaya tumayo na siya at nagpalakad-lakad habang patuloy sa pag-iisip ng mga puwede pa niyang ilista. Hanggang sa mapansin niyang tila may ibang tao roon na nanonood sa kanya.

Daniel was standing at the door, leaning against the doorframe, watching her. Napahinto sa paglalakad-lakad si Claire. He's so good looking on his black and white tuxedo, even with that serious look on his face. Hinintay niyang magsalita o mang-asar bago niya ito gantihan ng asar. Ngunit nang ilang minuto na ang lumilipas at nanatili lang na nakamasid sa kanya si Daniel nang hindi umiimik. Nagsimula na tuloy siyang mailang na hindi naman dapat, kaya siya na ang unang bumasag ng katahimikan.

"Ang panget ko ba?" nag-aalalang tanong niya habang nakatitig sa reaksyon ng lalake.

"You're always beautiful." He said reassuringly. "I'm just happy to see you finally settling down."

"Kinakabahan ako. Paano kung mali tong gagawin ko..." kung sa anong dahilan ay biglang nakaramdam si Claire ng labis na kaba at takot, "Paano kung---"

Hindi na natapos ni Claire ang kaniyang sasabihin dahil mabilis na lumapit si Daniel sa kaniya at mahigpit siyang niyapos. "You are doing the right thing. Trust me. Alam kong hindi ka magsisisi. Matagal ng nasasaktan ang puso mo, Claire. Hayaan mo sana na kahit sa pagkakataon na to piliin mong maging masaya. I found love at a hopeless moment, I know you will too. Magtiwala ka lang."

And there it goes, kusa ng tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Kung meron isang tao na higit na nakakaintindi sa kaniya, maliban kay Ella, ay si Daniel iyon. He's been there with her all thoughout her journey. Ito ang unang lalakeng naging malapit na kaibigan niya ng pumasok siya sa Hacienda Cassarina bilang personal maid ni Vince noong bulag pa ito.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now