Chapter 30

2K 59 3
                                    

"That's it for today. Meeting adjourned."

Matapos na mapakinggan ang business presentation ng Marketing Team ay nagpaalam na si Vince sa kaniyang mga tauhan. Kagaya niya ay siguradong gutom na rin ang mga ito lalo at 1:30 na ng tanghali.

Initially ay dapat sandali lamang ang business meeting nila na iyon kaya lang ay napansin niya na maraming kailangang baguhin at i-update sa mga pinasang proposal ng mga ito. Kaya tuloy bigla silang nag-extend ng isang oras at kalahati. The good thing though is that hindi na niya kailangang i-meet ang mga ito bukas. Ang unang plano ay magkakaroon lang ng review meeting ngayon at bukas ang presentation, pero dahil nga naisip niyang para hindi na masayang ang oras ng lahat ay tinapos na lahat ngayon para mas magkaroon ng mahabang panahon ang lahat mag-construct at reconstruct ng bagong business plan para sa kanilang gagawing meeting next week.

Paglabas ni Vince sa may lobby ay inaasahan niyang naroroon lamang si Claire at naghihintay sa kaniya. Buhat kasi ng lumabas ito kanina ay hindi na ito bumalik, ang buong akala naman niya ay napasarap ang pakikipag-usap nito sa videocall sa Nanay nito at sa kanilang mga anak kaya mas pinili nitong manatili sa labas.

"Saan naman kaya nagpunta yun?" Nag-aalala niyang tanong sa sarili. Nang sipatin niya ang suot na relo ay napansin niyang 40 minutes na buhat ng umalis ito kanina.

Dali-dali niyang nilapitan ang receptionist upang itanong rito kung may napansin ba nito ang babaeng kasama niya kanina.

"Excuse me, I just wanna ask kung napansin mo ba kung saan nagpunta yung babaeng kasama ko kanina?" Tanong niya rito. "The one wearing a dress." and As much as possible ay ayaw niyang pangunahan ng panic o inis. Knowing Claire, sigurado naman na may magandang rason ito bakit ito wala roon sa lobby ng building.

"Opo, Sir. Dito po siya huling pumunta sa canteen. Hindi ko pa naman po siya nakikitang lumalabas mula ng pumunta siya diyan."

"Thank you."

Pagkasabi niyon ay malabis niyang tinungo ang canteen para puntahan ang asawa. Malamang nga ay nagugutom na talaga ito kaya hindi na nakapagpigil pa na kumain.

Ayan kasi puro ka trabaho, hindi mo naisip na baka nagugutom na asawa mo. Pangaral ng kaniyang isipan. At aaminin niyang naiinis siya sa sarili dahil nakaligtaan niya ang oras at naging makasarili siya na hindi inisip kung anong kalagayan ni Claire. "Damn it, Vince." naiinis na mura pa niya sa sarili.

Nang makarating siya sa canteen ay agad hinanap ng mga mata niya ang dalaga. And there she is, sitting on the corner alone. He felt relieved.

Huminga muna siya ng malalim at inihanda ang sarili sa maaaring pagsusungit na gagawin ni Claire. Pero wala siyang karapatan na magreklamo dahil talagang may kasalanan naman talaga siya dahil pinaghintay niya ito ng matagal. You deserve it, jerk! Gago mo kasi pinaghintay mo yung asawa mo!

Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla siyang napatigil ng makitang i-approach ng isang lalake na nakasuot ng baseball cap si Claire at nang maupo ito sa katapat na upuan. But it didn't take long for him to recognize who the man is, kaya naman nilakihan niya ang hakbang at tinungo ang direksyon kung saan nasaan ang table ng dalawa.

"Narito ka lang pala, Misis." He said coldly ng makarating sa table na inookupa ni Claire. "Hey, bro." Tipid niyang bati kay Patrick ng tapunan ito ng tingin.

"Tapos na meeting mo?" Kaswal nitong sabi na akala mo ay hindi ito apektado sa presensya ni Patrick.

"Hey, sup." Ani Patrick ng tumayo ito at offeran siya ng handshake. "It's good to see you again, Vince."

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now