Chapter 39

1.8K 63 1
                                    

Masaya kaming naglalakad pauwi ng bahay ni Tatay, nagkukwentuhan, nag-aasaran... Ngunit sa di-kalayuang bahagi ng maluwag na hi-way na aming nilalakaran ay natanaw namin ang isang delivery truck, napakabilis ng takbo niyon, tila ba ito na sa isang racing na walang pakialam sa mga tao o sasakyan na maaaring makakasalubong nito.

Habang papalapit ito ng papalapit at naririnig namin ang truck driver na noon ay nakasilip na sa bintana, may isinisigaw at may isininsenyas ito ngunit hindi namin iyon gaanong maaninagan o marinig dahil sa layo ng distansya nito,

"ALIS! ALIS! UMALIS KAYO! MABABANGGA KAYO! WALANG PRENO!" malakas at paulit-ulit na sigaw nito at nang isa pang kasama nito sa truck habang na sa mas abot-tanaw na distansya na ang mga ito at sumesenyas sa amin.

Ganoon na lamang ang kaba at takot na bumangon sa aking dibdib ng mapagtanto ko kung ano ang tinutukoy ng mga ito. Nanlaki ang aking mga mata at tila ako naparalisa sa aking kinatatayuan, tama nga ang hinila ko... "TAY, MABABANGGA TAYO! WALANG PRENO YUNG TRUCK! WALANG PRENO YUNG TRUCK!" malakas na sigaw ko na parang maghihiwalay ang litid sa lalamunan ko. "TAY!!!!!" Nagpapanic kong sigaw sa gitna ng pag-iyak.

Gusto kong tumakbo ngunit ayaw sumunod ng katawan ko, ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko, ang panginginig ng katawan ko sa takot. Alis... alis... takbo, Claire! Mababangga ka! malakas na hiyaw ko sa aking isipan. Ngunit hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang gagawin ko... hanggang sa maramdaman ko na lamang na may humila sa aking katawan.

Nang magmulat ako ng mga mata ay napagtanto kong ligtas ako, ligtas kami ni Tatay.

Niligtas ako ni Tatay. Nakayapos siya sa akin... mahigpit... napakahigpit...

"Okay ka lang ba anak? may masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?" Magkahalong takot at pag-aalala na tanong ni Tatay sa akin ng makabawi ito ng balanse at tulungan akong makatayo.

Bigla ay nakarinig kami ng isang napakalakas na pagkabasag at pagsabog. Ang truck, siguradong bumangga iyon sa isang poste o puno.

Ngunit sa loob lang ng ilang segundo, mula sa aming likuran ay may isang nakabibinging langitngit ng gulong ng pagewang-gewang na kotse. Bago pa man ako makapagsalita ay naramdaman ko na ang marahas at malakas na pagtulak sa akin ni Tatay, at parang slow motion na nasaksihan kong walang habas na bumangga ang kotseng iyon sa direksyong kinatatayuan ni Tatay.

Parang isang laruan na tumalsik si Tatay sa daan habang ang kotse ay tumama sa bato at umangat kaya nagpaikot-ikot na ito na parang bola hanggang tumama sa isang puno na nagpahinto rito.

At iyon na ang huling memorya ko sa mga pangyayari. Dugo... puno ng dugo ang aking mukha... wala akong makitang malinaw kundi ang dugo na umaagos sa aking mukha. Pinilit kong makakita, pinilit kong makatayo, pinilit kong lumaban...

Kaya lang ay sumusuko na ang aking katawan. Nanghihina na ako, nahihirapang huminga. Wala na akong lakas para kumilos pa. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay pilit kong hinanap si Tatay.

"T-taaay... Ta... tay...".pilit kong tawag sa kaniya pero hindi na siya sumasagot pa.

Nakita ko si Taytay, naroon siya... malayo sa akin... nakahandusay sa malawak na daan...  walang malay... Duguan at sugatan...

At ilang dipa lang mula sa kinasasadlakan ni Tatay ay naroroon ang nakabaligtad na kotse na bumangga rito. Sira-sira ang salamin at nayupi na parang lata ang kawawang sasakyan na iyon ng tumama ito sa isang malaking puno hanggang sa balutin na ito ng makapal na usok at mag-apoy...

Narinig ko pa ang tawag ng isang lalake ngunit hindi ko mawari kung sino. Pero siguradong hindi ang boses ni Tatay ito.

Ang lalake, nagsusumamo ito. Humihingi ng saklolo. Tila may tinatawag itong pangalan. Pero hindi ko na iyon marinig pa...

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now