Chapter 23

1.9K 68 4
                                    

Matapos makapag-agahan, ay naisipan ni Claire na magsimba at mamasyal na rin sa Bayan. Kaya naman agad siyang nagpaalam sa kaniyang Nanay at pati na rin sa mga magulang ni Vince na noo'y busy sa pagdidilig at paggugupit ng mga tanim na halaman at bulalak sa green house. 

"Saan kayo pupunta, nak?" tanong ng kaniyang Nanay.

"Idadaan ko sana sila sa simbahan, malapit lang dito yun, Nay. Doon kami lagi nagsisimba ni Ella dati." bigay imporma niya sa kaniyang Ina. Ang tinutukoy niyang simbahan ay ang Our Lady of Lourdes Church na 10 minutes lang naman ang layo kung ida-drive mula doon sa Hacienda.

"Hindi niyo ba kasama ang asawa mo?" tanong ni Donya Cassarina.

"Hindi na po siguro, Ma." pag-amin ni Claire. "Busy po kasi ata siya sa pagbubuhat doon sa gym." dahilan niya ng maalala na nakita niya itong nagwoworkout doon sa may gym area kasama si Trace at Jace.

"Sino ang magda-drive sa inyo?" tanong ni Don Conrad. "Gusto mo bang ipatawag ko sa Cardo para may driver ka?"

"Wag na po, Pa. Kaya ko naman na po mag-drive." nahihiyang tanggi ni Claire. "Malapit lang naman po ang pupuntahan namin at pamilyar na rin naman po ako sa lugar dito kaya di ako mawawala."

Matapos ang mahabang pamimilit ay pinayagan naman siya ng mga ito kaya dali-dali siyang kumilos. Agad niyang pinuntahan sina Lucho at Dreico na kasalukuyang kasama ni Stefan swimming pool. Nang abutan niya ang mga ito ay nakita pa niya si Stefan na tinuturuan ng swimming lesson ang kambal. Nasa tabi naman ng pool si Aly at nilalaro sina Casper at Austin, ang anak nina Amanda at Chris.

"Bagay pala kayo 'no?" tukso ni Claire ng lapitan ang dalawa.

"No way!"

"Kadiri!"

Sabay na reaksyon ng dalawa sa kaniyang sinabi. Kitang-kita sa mukha ng mga ito ang sobrang pagkadisgusto sa kaniyang sinabi.

"Hindi ako papatol sa isip bata na yan!" nakabusangot pang turan ni Aly ng lingunin nito si Stefan at irapan.

"Mas lalong hindi ako papatol sa tulad mong tomboy!" ganting pang-aasar naman ni Stefan habang nagmi-makeface para mas lalong asarin si Stefan.

"Hindi ako tomboy!" giit ni Aly at saka ibinato sa direksyon ni Stefan ang pobreng laruan na kanina'y hawak ni Casper. Nasalag naman iyon ng binata.

"Hindi ka rin babae!" ganti ni Stefan at saka binasa ng tubig mula sa pool ang dalaga.

"Angas mo, ah! Ano suntukan na lang? Tara!" hamon ng matapang na si Aly habang itinataas pa nito ang sleeves ng suot na t-shirt. Mabuti na lang at nasa loob ng stroller sina Casper at Austin at walang kamuwang-muwang sa nagaganap na gera sa mga nagbabantay dito.

"Kala mo aatrasan kita? O, tara, walang iyakan ha!" paghahamon rin ni Stefan sa dalaga at saka ibinalik sa salbabida ang kapit nitong si Dreico. Mukhang handang-handa talaga ito na patulan si Aly.

"Baka ikaw ang umiyak!" ayaw talagang patalo ni Aly rito.

Hindi tuloy mapigilan ni Claire ang mapatawa habang pinapanood ang dalawang ito. Dati rati ay napakatahimik ni Aly at mahaba ang pasensya nito, pero buhat ng bumalik si Stefan mula sa ibang bansa at ito ang maging bagong boss ng babae, parang lagi na lang may magaganap na gera sa pagitan ng dalawa dahil laging nagpapalakasan ang mga ito.

"Hoy, teka, bago kayo magsuntukan akin na muna yang mga anak ko at aalis kami." ani Claire ng lapitan si Stefan sa swimming pool. Inilapit naman ng binata ang salbabidang sinasakyan ng dalawa papalapit sa kaniya.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ