Chapter 25

2K 70 5
                                    

"Anything else, Misis?"

"Wait, iniisip ko pa."

Busy sa pamimili sina Claire at Vince sa loob ng hypermarket. Paubos na kasi ang gamit ng kambal gaya ng gatas, diaper, oatmeal, pati na ang vitamins ng mga ito.

"Ay, yung oatmeal pala tsaka yung favorite nila na cookies pakuha naman." Utos ni Claire kay Vince.

"Sure. Wait for me here." Anito at saka tinungo ang estante kung saan nakalagay ang mga pagkaing pambata.

Habang busy si Claire sa pagbili ng iba pang mga gamit na kailangan niya, ang kambal naman ay tahimik lang na nakaupo sa loob ng push-cart habang dumedede.

"Baby soap, baby shampoo, diapers, wet wipes, gatas... Hmmm... Ano bang kulang?" Kausap ni Claire sa kaniyang sarili habang iniisa-isa ang kaniyang mga pinamili. "Narito na rin naman ang mga kailangan ko..." Aniya nang i-check ang mga personal na gamit niya gaya ng feminine wash, napkin, sabon, shampoo, lotion at iba pa.

Nag-ikot pa siya para tumingin ng mga pwedeng idagdag kung sakali. At nang sipatin niya ang kaniyang relo ay saka lang niya napansin na halos magsasampung minuto na buhat ng umalis si Vince.

"Nasaan na kayo ang lalaking yun?" Nagtatakang tanong niya sa sarili, "Imposible naman maligaw pa yun dito ha."

At dahil naiinip na rin siya kakaantay dito ay napagpasyahan niyang puntahan na ito sa kung saan nakalagay ang mga iniutos niyang kuhanin. Pero ang hindi inaasahan ni Claire ay ang kaniyang masasaksihan.

"Kaya naman pala ang tagal bumalik!" Naiinis niyang usal sa sarili habang tinitignan mula sa malayo ang hinahanap na lalaki.

Paano ba naman ay inutusan lang niya ito na kumuha ng cookies at oatmeal pero mukhang iba ang nahanap nito. Kasalukuyan kasing kausap nito ang tatlong magagandang babae na mga mukhang may sinasabi rin sa buhay base sa itsura ng mga ito at sa ayos ng pananamit.

"Nakuha pa makipaglandian ng hinayupak na lalaking to ha!" Gigil na reaksyon ni Claire habang kausap ang sarili ng makita ang masayang pag-uusap at tawanan nina Vince at nang mga kasama nito.

Nais na sana niyang iwan at magbyahe na lang pauwi, kaya lang ay napagtanto niya na tiyak na mahihirapan siyang kumilos mag-isa dahil bukod sa marami siyang pinamili ay kasama pa niya sina Lucho at Dreico. Tiyak na mahihirapan siya kung mamamasahe na lang sila pabalik ng Hacienda Cassarina.

Kaya naman nilakasan na lang ni Claire ang kaniyang loob at pinuntahan ang walang kwentang lalaki. Hindi ito ang oras para unahin niya ang pag-eemote. Mamaya na lang niya ito sesermonan.

"Vincent Grecko." Tawag niya sa buong first name ng lalake habang naglalakad papalapit rito tulak-tulad ang push-cart. She said with a poker face and deadly look para maramdaman nito ang kaniyang pagkainis.

"A-ah, Claire..." Tila nagulat pa si Vince na makita siya na may kausap na mga babae. At tiyak na mas ikinabigla nito ang pagtawag niya sa buong pangalan nito dahil ginagawa lang niya iyon kapag inis o iritable siya. Mabilis itong lumapit sa kaniya pero ng may isang hakbang na lang ang layo ng binata sa kaniya ay bigla niyang tinulak ng malakas ang push-cart.

"Ouch!" Pigil na reaksyon ni Vince. At tila nga napansin na nito ang inis sa kaniyang mukha.

"Sorry, Vincent Grecko. Hindi ko sinasadya... po." Sarkastikong sabi ni Claire ng may plastik na ngiti sa labi. Ayan! Buti nga sayo! Deserve mo yang hinayupak ka!

"What's that for?" Tila nalilito pa ring reaksyon ni Vince kung bakit ginawa niya ang ginawa niya.

Imbes na sagutin ang sinabi nito ay hinanap na lang niya ang pinakukuha niya rito. Pero mas lalo lang siyang nainis ng hindi makita sa kamay nito ni isa sa kaniyang pinapabili.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now