Chapter 21

2.1K 81 3
                                    

Pagpasok pa lang sa Mansyon ng mga Hendelson na nasa loob ng malaking Hecendia Cassarina ay unang bumungad agad kay Claire ang kaniyang Ninang na si Manang Elsa, isa sa mga matagal ng katiwala roon. Ito din ang dahilan bakit sila napasok noon ni Ella bilang mga kasambahay noon kaya naman malaki talaga ang tinatanaw niyang utang na loob rito.

"Nang Elsa!" Excited niyang bati ng yapusin ang matanda. Ito na ang halos itnuturing niyang pangalawang magulang.

"Marie!" Maluha-luhang bati nito na kagaya niya ay baka rin ang labis na excitement.Hindi kasi ito nakaattend sa kasal nila ni Vince dahil naospital ito ng araw na iyon.

"Kamusta na po kayo, Nang?" Nag-aalala niyang tanong ng mapansin na medyo namayat ito ng bahagya.

"Ito, okay naman na. Salamat sa Diyos." Nakangiting sagot nito na halatang hindi maikubli ang saya na makita siya roon. "Ikaw kamusta ka naman ng bata ka? Pasensya na nga pala at hindi ako nakapunta sa kasal mo anak."

"Ito maayos naman po ako. At okay lang yun, Nang. Ang mas mahalaga ay maayos ka na. Nag-alala kami ng sobra ni Ella nung ibinalita sa amin ni Nanay na naospital ka nga daw po." Kahit pa nga mukhang malakas naman na ito ay pinili pa rin ni Claire na alalayan ang matanda sa kanilang paglalakad papasok sa loob ng bahay. "Kamusta naman na po kayo dito sa Mansyon?"

"Wala pa din naman pagbabago. Masaya pa rin. Masaya pa rin sa taniman at masagana pa rin ang pamumuhay ng lahat." Patuloy na kwento ni Nang Elsa ng makaupo na sila sa sofa. "Siya nga pala, Marie-- ay, este Claire. Pasensya na at nasanay pa rin kasi akong tawagin kang Marie."

"Wala po yun. Kahit ano po okay lang." Natatawang sabi niya. Maging siya man kasi kung minsan ay nakakalimutan pa rin na Claire na ang kaniyang ginagamit sa ngayon.

"Hindi ko pa nga naibabalita sayo pero alam mo bang narito na rin sa Hacienda ang mga anak ko, kaya wala na kong masyadong iniisip na mabigat." masayang balita nito. Noon pa kasi nito pinipilit ang mga anak nito na lumipat doon ngunit pilit itong mga tumatanggi dahil tatapusin raw muna ang pag-aaral, mabuti ngayon at pumayag ng sumama ang mga ito.

"Masaya po ako para sa inyo. Matagal niyo na gustong mangyari yan."

Mula sa kanan na bahagi ng bahay ay narinig ni Claire ang masayang sigawan ng dalawang bata na tumatakbo. At ilang segundo nga lang ay lumitaw doon sina Lucho at Dreico na excited pang dinamba siya.

"Mama!" Sabik na sabik na tawag ng mga ito at saka siya niyapos ng mahigpit at pinaulanan ng walang sawang halik.

"Nag-behave ba kayo dito?" Tanong niya sa kambal na anak habang gigil na hinahalikan an ang mga ito.

"Opo." Magkasabay na sagot ng dalawa.

Di naglaon ay pumasok na rin sa loob ng bahay si Vince dala ang kanilang mga gamit. Pagpasok niyo ay isang malaking ngiti ang sinalubong nito sa kambal, "Hello, my boys!"

Mabilis naman nagtatakbo ang dalawa patungo sa direksyon nito, at gaya niya ay pinaulanan rin ng kambal ng napakaraming halik ang binata.

"Na-miss niyo ba si Papa?"

"Opo!" Magiliw na tugon ng dalawa. Sabay pang nagpakarga ang mga ito kay Vince. Mabuti na lang at brusko ang binata kaya't parang wala lang rito ang bigat ng kambal. "Bumibigat na kayo ah, lumalaki na mga baby ko." Sabi nito saka hinalikan sa pisngi ang dalawa.

Claire couldn't hide her admiration every time she see how loving and caring of a father Vince  towards their children. Buhat ng kuhanin sila nito at itira sa iisang bahay ay palaging sinisigurado nito na mayroon itong oras para sa kanilang mga anak. Kahit pa nga pagod ito galing sa trabaho ay hindi ito papayag na hindi mag-spend ng time na makasama sina Lucho at Dreico.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now