Chapter 18

2K 64 2
                                    

Mula pa alas-siyete ng umaga hanggang sa buong hapon ay wala ng ibang ginawa si Claire kung ang magpaikot-ikot si sa pagsu-supervise sa renovations at ang pamimili ng mga kailangang kasangkapan para sa kanyang itatayong Canteen. May kaunting ipon naman siya sa bangko at iyon ang nagagamit niya pagbili ng mga mahahalagang kasangkapan na kailangan niya. Nakatulong din na hindi pa muna niya binayaran kay Vince ang lugar na iyon dahil mas nakapag-focus na siya nang husto sa mga dapat na ayusin mismo.

Fully furnished naman ang lugar kaya kaunting renovations lang ang kailangan upang makuha niya ang gusto niyang ayos doon. Halos mag-aalasais na ng gabi na nang makita niya ang kalahati ng mga pinaghirapan niya. Masaya siya pero hindi pa satisfied.

"Tingin ko mas maganda kung maglalagay ka din ng kahit apat na table dito sa likod na garden para hindi saying yung space." Anang bestfriend niyang si Ella. Araw naman ng Sabado at wala itong pasok kaya nagprisinta na rin ito na tumulong sa kaniya.

"Tingin mo?" nagdadalawang isip niyang tanong. Hindi kasi siya sigurado sa suhestiyon nito dahil gusto sana niya na ang garden ay private space lang niya bilang owner.

"Oo naman. Sayang yun, imagine mo kapag maraming tao na gusto kumain tapos wala ng space, edi saying yung pera na papasok sana diba. Eh, araw-araw ganun. Kaya araw-araw ka din nagtatapon ng pera." Paliwanag pa nito habang tila kinakalkula kung magkano ang bawat masasayang niyang kita.

"Tingin ko mas okay din siguro ang mga ornamental plants kaysa mga ordinaryong halaman lang," suhestiyon naman ni Aly, isa rin sa mga kaibigan niya. Ito ang babaeng personal driver ni Steffan ngayon. "Mas nakakagana kasi kumain kapag nakaka-relax yung paligid diba."

"Tsaka tingin ko maganda kung maglalagay ka rin ng no smoking sign kahit dito sa labas, para hindi masira yung gandan ng mga halaman. Alam mo naman ang mga tao minsan pasaway talaga." Suhestiyon naman ni Erika. Ang fiancé ni Daniel. Wala rin naman daw itong gagawin kaya sumama na rin ito sa kanila.

"Ate, may bisita ka!" sigaw ng bunsong kapatid niyang si Mako na noo'y busy sa pagwawalis. Bukod sa kanila nina Ella at Aly, kasama rin niya sa pag-aayos ang tatlo niyang kapatid na sina Oyet, Niko, at Mako.

"Sino?" tanong niya ng hindi ito iniintindi. Busy pa rin kasi sila nina Erika, Ella, at Aly sa likuran na garden at sa kung ano ang mga dapat ilagay doon.

"Si Bayaw!" sigaw ni Niko.

"Sinusundo ka na. Honeymoon niyo na daw!" pamimilosopo naman ni Oyet.

Pagpasok ni Claire sa main dining area ay nakita niya ang tatlo niyang kapatid na masayang nakikipag-usap sa kadarating lang na si Vince at pinagmamasdan rin nito ang kabuuan ng lugar.

"Sino yan?" tanong ni Aly na halatang gusto lang naman siyang tuksuhin sa binata.

"Si Vince." Kaswal na sagot niya.

"Ano mo yan?" panunukso na rin ni Erika.

"Asawa ko." Patay-malisya pa rin niyang sagot.

"Asawa mo? Ang guwapo. Pinatulan ka talaga niyan?" Ani Ella. Ito talaga ang pinakamalakas mang-asar sa kanilang lahat.

Kunot-noon iyang binalingan ang kaniyang mga kaibigan. Minsan talaga hindi niya malaman kung kaibigan niya ang mga ito o basher niya. Paano ba naman kasi ay mula ng ikasal sila ni Vince ay walang tagil sa katutukso ang mga ito sa kaniya.

Imbes na maging tampulan pa lalo ng tukso ay iniwan na lang niya ang tatlo at nilapitan si Vince.

"Anong ginagawa mo rito, Vince?" kaswal niyang tanong.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now