Chapter 24

2K 72 7
                                    

I'm not a good man, not even a good son or a worthy husband and father. I know I've messed up a lot. I've made the worst decisions and hurt people more who cared for me. Pero pinatawad niyo pa rin ako, pinagkatiwalaan niyo pa rin ako na makabangon at makabawi sa lahat ng mali ko at mga taong nasaktan ko. I don't know if I even deserve this chances and opportunities... Pero salamat... Salamat, Lord. Sisiguraduhin ko na sa pagkakataon na ito ay itatama ko lahat ng mga kailangan at dapat kong itama.

Iyon ang taimtim na dasal ni Vince habang naroroon sila sa loob ng simabahan. At nang sumilip siya kaniyang kanan ay nasilayan niya si Claire na nakapikit pa rin at nagdarasal.

And swerte ko sayo, Lord... Aniya ng may ngiti sa labi habang pinagmamasdan ang kaniyang Misis. Wag mo bawiin sa akin to ha. Hindi ko na kasi to papakawalan.

Pagkatapos magdasal ni Claire ay di niya mapigil ang sarili na tanungin ito kung anong naging dasal nito. "What did you pray for?"

"World peace." Anito.

"And?"

"Secret."

Of course, as always, pinipilosopo na naman siya ng babaeng ito. She really has that habit of being secretive noon pa man na una niya itong nakilala at hanggang sa ngayon ay hindi nito iyon nababago. Napakahirap talagang paaminin nito kung minsan. But he appreciate that about her. Dahil kahit kailan ay wala itong sinabi o kinuwento kanino man tungkol sa masakit na pinagdaanan nito sa kaniya. Not even with their kids, Lucho and Dreico.

She changed her name from Marie to Claire. She changed her looks from being probinsyana to being one helluva sexy and regal woman. From being timid and cry-baby to a strong independent woman who knows exactly what she wants and how to get it. Bumalik ito sa pag-aaral at naging isang successful na empleyado sa tulong ni Amanda.

Pero ang isang bagay na hindi nagawang magbago sa lumipas na mga taon ay ang pagiging natural nitong mabuting tao. Kunh tutuusin ay kayang-kaya gamitin ni Claire ang pagbubuntis nito para huthutan siya ng yaman, pero ni hindi nito tinagka iyon kahit isang kusing.

She could've ruined the entire image of Hendelson Family, but she never once dared. Mas pinili nito na lumayo at magtago. Pinili nito na pumasok sa iba't ibang trabaho para lang masustentuhan ang pagpapalaki sa kanilang kambal na anak. Mas pinili nito ang maging isang mabuting tao sa kabila ng hirap, sakit, at pait na dinanas nito sa piling niya.

Vince can't imagine the pain and struggle Claire had to endure sa mga panahon na baliw na baliw pa siya kay Elizabeth hanggang sa tangkang pakasalanan ito. Worst case scenario, nilapitan pa nga niya si Claire noon para imbitahin sa kasal. That of course can be excused dahil wala siyang ideya noon na ito pala si Marie, but still, nasaktan pa rin niya ito ng sobra.

Yet she's standing still. Napakatapang nito. Napakatatag. Kung noon ay inakala niyang wala itong kwenta, she proved him wrong. Again and again. Kahit ata ibato ito sa dagat na apoy o ipasagasa sa 24-wheeler na truck, babangon at babangon ito para lampasan ang mga pagsubok na iyon. Siguro kung ibang babae ang nasa sitwasyon nito ay baka naging isang malakign eskandalo na ang kaniyang buhay.

This woman right beside me... She's  for keeps.  And I intend on keeping her till my last breathe.

"Let's go?" Pag-aaya ni Vince habang karga si Lucho.

"Sige." Tugon ng dalaga at saka nito binuhat si Dreico.

Paglabas pa lang nila ng simbahan ay isang napukaw ang kaniyang atensyon sa isang pamilyar na babae na kanilang nakasalubong. Mukhang namukhaan din naman siya nito kaya agad itong lumapit.

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now