"Okay." At dahil nga mabigat pa ang kaniyang pakiramdam at nahihilo pa siya ay muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. He can feel his body being so worn-out and drained kaya pagpikit niya ay mabilis na nilamon ng antok ang kaniyang sistema.

Hindi alam ni Vince kung gaano siya katagal nakatulog pero nang muli siyang magising ay mas maayos na kahit papaano ang kaniyang pakiramdam kumpara kanina. May kirot pa rin siyang nararamdaman sa buong katawan pero kahit papaano ay mas malinaw na ang kaniyang paningin at mas maayos na rin ang takbo ng kaniyang isipan sa mga nangyayari sa paligid lalo na sa dahilan ng kaniyang pagkakaospital.

Nang tignan niya ang kaniyang kanang paa ay saka lang niya napagtanto na nakasemento pala iyon at ang kanang kamay naman niya ay naka cast rin. Napansin rin niya na may benda pang nakabalot sa kaniyang ulo at may mga malilit siyang galos sa buong katawan.

Paglingon niya sa kaniyang kaliwa ay nakita niya roon ang Mommy niya na mahimbing na natutulog sa sofa at nakasandal ang ulo sa kaniyang Daddy na katulad nito ay natutulog rin. They look like a very happy couple and very in-love kahit pa nga may katandaan na ang mga ito. A kind of couple he always dreamed to be one day. He has always wished to be just like his parents one day.

"Ma, Pa." tawag niya sa mga ito. Mas maayos na rin ang kaniyang paghinga at pagsasalita ngayon kumpara ng una siyang magising. "Mommy, Daddy, wake up." ulit niyang tawag sa mas malakas na boses para kuhanin ang atensyon ng mga ito.

At ilang sandali nga lang ay nagising na ang mga ito. "Vince, anak..." maluha-luhang yumapos agad ang kaniyang Mommy ng lapitan siya nito. "Salamat sa Diyos at gising ka na ulit. Kung alam mo lang kung gaano kaming lahat nag-alala sayo, anak." hinalik-halikan pa siya nito sa noo ng ilang ulit at hinaplos ang kaniyang mukha, "Tinakot mo ako ng sobra, Vince. Walang oras na hindi ako nagdasal dahil ang akala ko ay hindi ka na magigising pa. Sa awa ng Diyos ay ibinalik ka niya sa amin." 

"I'm here. I'm back. Strong ako diba sabi mo Mommy." pagbibiro niya para patawanin ang kaniyang Mommy. And deep inside his heart, he's also very thankful to finally get to see his parents again. "I love you, Mommy." Paglalambing pa niya rito kaya lang ay gigil na kinurot nito ang kaniyang pisngi bilang ganti.

"I love you too" Tugon ng kaniyang Mommy.

"You have no idea how much you scared the fvck out of me, Vince." sabi ng kaniyang Daddy ng lumapit ito at halikan rin siya sa noo, "God, I'm so happy you're back. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sayo anak."

Hindi alam ni Vince kung ano ang sasabihin lalo pa't bibihira niya makita na lumuluha ang kaniyang Daddy, so he just said what first comes to his mind, "I love you, Dad."

"I love you too, anak." tugon nito ng may ngiti sa labi. 

"Nasaan sina Kuya? Bakit wala sila dito?" nagtatakang tanong niya ng mapansin na wala doon ang kaniyang mga kapatid.

"Alas otso pa lang ng umaga, anak. You've been asleep for a straight eleven hours mula ng gumising at matulog ka alas nuwebe kagabi." Imporma ng Daddy niya kung ano ang naganap sa pagitan ng inaakala niyang simpleng pag-idlip lang.

Sinagot naman ng Mommy niya ang tanong patungkol sa kung nasaan ang mga kapatid niya. "Nasa opisina pa ang Kuya Chris mo at inaasikaso ang mga natambak na trabaho. Ang kuya Jace mo naman ay may inihatid lang, ang Kuya Trace mo ay may mga business meetings na inasikaso pero tatawagan ko na rin para makapunta na sila rito agad. Ang Kuya Daniel mo naman ay sinamahan si Clara na mag-asikaso ng mga legal documents mo. Si Stefan ay nasa labas at bumibili ng pagkain kasama si Aly."

Now that he knows everyone is doing alright, mas gumaan ang pakiramdam niya. But there is one person missing, someone he really wished to see.

"Ma... Si Claire..." nag-aalangan niyang tanong sa pagbabakasakali na naroroon rin ang dalaga para bantayan siya. "Nasaan siya?"

Unbreak My Heart (Playboy Series #6)Where stories live. Discover now