Agad kung kinuha ang phone sa bulsa ko, may nagtext.

From: Unknown Number

"Kita tayo sa Cafeteria sa labas ng School"

Bigla akong kinabahan ng mabasa ko iyon at agad kung pinabasa ito kay syrinne.

"Baka Jowa mo yan" lokong sabi niya.

"Baliw! Sa tingin mo may papatol sa akin?" wala naman talagang papatol sa akin.

"Malay mo, oh baka isa sa mga ka fling mo" napaisip ako sa sinabi niya.

"Wala akong naalala na may binigyan akong number ko kasi di naman sila ng hingi" totoo yun kasi ako din yung humihingi. Swerte nalang kung bigyan nila ako ng number nila.

"Baka may nabuntis kang—"

"Oh my ghad, syrinne. Shut up! Do you think na papatol talaga ako ng babae?"

"Ay, defensive? parang nagbibiro lang" bawi niya

"Hindi magandang biro, nakakadiri" arteng sabi ko.

"Hala! Super duper defensive ha? bakit may babae ka bang—"

"WALA! huwag na nating pag-usapan. Tumayo yung balahibo" putol ko ulit at tinawanan lang akong ng gaga ng sabihin ko yun.

"Oh di puntahan nalang natin para magkaalaman na," pagkasabi niya nun ay pumunta agad kami sa cafeteria malapit dito sa Eastwood. Wala naman kasing ibang Cafeteria dito sa labas kundi isa lang.

Pagdating namin sa tapat ng Cafe ay hindi muna kami pumasok dahil nakuha ng atensyon ko ang isang familiar na sasakyang itim.

Parang nakita ko na 'to dati. Hindi ko lang matandaan.

"Familiar sayo?" tanong ni syrinne ng makitang nakatingin ako sa sasakyan.

"Oo"

"Ako din, eh" sabi niya kaya napatingin ako.

"Hi"

"Ay kalabaw" sigaw ni syrinne kaya napatalon ako sa gulat. Napatingin ako sa babaeng bumati sa amin. All black? Naka suit ng black at naka black na pants ganun din yung mataas niyang sapatos, black din. Pati ba naman lipstick ay black din? m

"H-hello" alanganing bati pabalik ni syrinne.

"I'm Chanel Frobel, Miss Bazen's secretary" sabi niya sabay abot ng kamay ka syrinne. Magsalita na sana si syrinne ng unahan sya ni chanel "You are Syrinne, right?" tanong niya at alanganing tumango si syrinne.

Pagkatapos nilang magkamayan ay bumaling naman siya saakin.

"And you are Matty?" tanong niya sabay abot ng kamay kaya tumango nalang ako at inabot ang kamay niya.

"How did you know our name" tanong agad ni syrinne ng matapos niyang bitawan ang kamay ko.

"I already told you. I'm brazen's secretary" ngiting sabi niya.

"Brazen? Who's brazen?" takang tanong ko pero ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko.

"Follow me" utos niya at nilampasan kami. Nagtinginan kami ni syrinne at hindi kami sumunod.

"Don't worry. Hindi ako masamang tao" baling niya ng makitang hindi -kami sumunod.

"So means, you're the one who texted me a while ago?" tanong ko at tumango naman siya

"How did you know my number?"

"What do you want from us?" matapang ding tanong ni syrinne.

"Easy gurl. As what I said. I'm not your enemy. If you want to know the answer of your question then follow me" ngiting sabi niya at nagkatinginan ulit kami ni syrinne at tumang sa isa't isa bilang sang ayon sa sinabi.

Sumunod namin kami sa kanya. Kaso ng nasa tabi na namin siya ay hindi na siya lumakad.

"Let's go" yaya ni syrinne kasi di pa siya umalis, dapat siyang mauna para malaman namin ang daan.

"We're here" sabi niya kaya napataas ang kilay ko. What?

Tinignan ko kung saan siya nakatingin at nakita kung nakatingin siya sa sasakyang itim na nasa gilid namin at kaharap naman niya. Ito yung sasakyan na pamilyar saamin kanina.

Agad niyang binuksan ang pinto ng backseat a napatingin saamin. Sa kanya 'to?

"Come in" aya niya.

"Wait? saan mo kami dadalhin" medyo kinakabahang tanong ko.

"Maam Brazen want to talk the both of you" agarang sabi niya.

Gusto ko pa sanang magsalitag pero nakita kung nauna ng pumasok si syrinne. Ang babaeng to.

Nang makapasok ako ay ang dilim ng loob ng sasakyan. Hindi ko mapigilang mag-isip ng kung ano-ano.

Is this kidnapping? Ay matanda na pala kami, okay. Adultnapping? Mamatay na
ba kami?

Pero nawala yung kaba at pag iisip ko ng hindi pumasok si chanel sa loob at nasa labas lang na nakatayo na parang nagbabantay. Secretary ba talaga siya or bodyguard?

Napatingin ako sa front seat ng makita kung may itim na taong gumagalaw.

"S-sino ka?" utal na tanong ni syrinne.

"Kumusta na kayo?" tanong niya at biglang kumalabog ng husto ang dibdib ko.

That familiar voice. I miss that familiar voice.

Tila nanlambot ang tuhod ko ng mapagtanto kung kaninong boses iyon at nangingil ang aking luha.

"Oh my ghad" gulat na sigaw ni syrinne.

Tuluyan ng bumuhos ang luha ko ng maaninag ko ang mukha niya ng biglang umilaw sa loob ng sasakyan.

Hindi nga ko nagkakamali. Walang alinlangang niyakap ko siya sabay hikbi.

"I miss you, Joyce"

To be continued . . .

The Innocent RevengeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin