"Umuwi na kayo, bago pa magdilim yung paningin ko" dugto ko pa.

"Kami na nga yung nakikiramay kahit sinaksak na niya ako" aba talagang lalaban pa tong impakta na to.

"Heven!" pigil ni Ken.

"What? Totoo naman diba? Dapat nga magpasalamat pa siya" maarte niyang sabi kay Ken.

"Ang kapal naman talaga ng mukha mo, walang nagsabing pumunta ka dito. Dahil unang una hindi namin kailangan ang presensya mo" singit ni syrinne na nasa likod ko pala.

"Pwede ba Ken, ihatid mo na yang babaeng yan baka ilibing ko pa ng buhay yan" sigaw ko.

"I'm sorry" paumanhin ni ken at bumaling kay heven sabay hawak sa kamay niya "Let's go, heven" pero pumiglas ang bruha at humarap sa amin.

"Ang lakas mong magsalita dahil alam mong wala ka sa teritoryo ko? Pwes, paghandaan mo ang pagbalik mo sa Eastwood dahil bibigyan kita ng engrandeng entrance, kayong dalawa ng kaibigan mo" sigaw niya sa amin ni syrinne kaya napatingin yung ibang tao sa amin kinaroroonan.

"Heven, Stop! Let's go" pigil sa kanya ni Ken. Ayaw pang umalis kaya akmang sasampalin ko na sana siya ng magsalita si Tita sa likuran ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Tita?" gulat na tanong ni Ken.

"Pinagkatiwalaan kita, Ken" nagsimula na namang umiyak si tita kaya hinawakan ko ang braso niya.

"I-I'm sorry, tita" nakayukong paumanhin ni Ken.

"Ipinagkatiwala ko sayo ang anak ko" napapaos na sabi ni tita "Dahil alam kung poprotektahan mo siya" muntik ng matumba si tita kaya inalalayan din siya ni syrinne "Pero..." hindi na natapos ni tita ang sinabi niya ng bigla siyang mawalan ng malay.

"Tita?"

"T-tita?"

"I'm sorry, tita"

"Please, Ken. Umalis ka na" pagtaboy ni syrinne.

"Ken, Let's go" sabi ni heven sabay hawak kay ken paalis.

Dinala agad nila si tita sa hospital. Kaya siguro nahimatay si tita dala ng pagod sa kaiiyak. Tapos hindi pa masyadong nakatulog dahil laging binabantayan si Joyce.

Umalis na lahat ng bisita, dalawa nalang kami ni syrinne ang nagpaiwan.

"Joyce? bat ganun?" nagsimula na namang magtubig ang gilid ng aking mata.

"Ang saya pa natin nung huli eh, di mo naman sinabing sign na pala yun" naluluha ng sabi ni syrinne.

"Sabi mo walang iwanan" tuluyan ng tumulo ang luha ko "Sabi mo sabay sabay tayong ga-graduate?" hikbi kung sabi "Ang daya mo naman, nang-iwan ka agad" natatawang sabi ko kahit umiiyak pa.

"Kung alam ko lang, sana hindi nalang kita iniwan dun" hahulgol pang sabi ni syrinne.

"Joyce? miss ka na namin."

Patuloy lang kami sa pagkukwento tungkol sa mga masasayang ala-ala na nangyari dati sa aming tatlo na parang nandito si joyce.

First time kung mawalan ng kaibigan, ganito pala ka sakit. Ang daya naman nito, di man lang pinatapos yung huling year. Nang iwan agad. Ang daya.

"Aalis na kami, girl" paalam ni syrinne ng papalubog na ang araw.

"See you when we see you, bespren" sabi ko at tumayo na.

"Let's go?" aya ni syrinne kaya lumakad na kami papuntang labas ng MP pero bigla kaming nagkatinginan ni syrinne ng may narinig kaming kunting ingay.

"Ano yun?" sabay naming sabi, kinilabutan ako bigla.

Hindi lang kaming dalawa ang nandito, may tao.

Pero nilibot namin ang aming paningin pero wala kaming makita nang tumingin kami sa entrance ng memorial.

Agad nakuha ang atensiyon namin ng may tumakbo babaeng naka black fitted shirt at black jeans doon tapos naka black boats shoes and black cap. Naka bun ang hair.

Babae? All black.

Tumakbo kami para habulin siya ng makalabas kami ay nakita naming papasok siya sa isang sasakyang black din di ka layuan sa aming pwesto.

Puntahan pa sana namin ng magsimula na itong umandar.

Familiar sa akin ang hugis ng katawan. Ngunit wala akong matandaan kung sino yun.

"Familiar" sabi pa ni syrinne kaya napatingin ako sa kanya.

"Ako din" sang ayon ko, kung ganun.

Kilala namin siya?

"Sino yun?" sabay ulit naming sabi.

Sa oras na yun biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko sabay ng pagtayo ng balahibo sa braso ko.

To be continued . . .

The Innocent RevengeWhere stories live. Discover now