Siyam na Uri ng Mambabasa (Readers)

61 1 0
                                    


Halos lahat tayo ay reader (nakababasa), puwera na lang sa 'No read, no write' talaga. Pero, hindi lahat ay pare-pareho ang uri, lalo na't iba-iba rin ang genre na gusto nating basahin.

Alamin natin kung anong uri tayo ng mambabasa (reader).

Una, ang 'The Finisher.' Siya ang reader na natatapos agad ang isang libro sa isa o kaunting upuan. Mabilis talaga siyang magbasa. Kaya niyang basahin ang isang chapbook sa loob lang ng ilang oras. Wala pang isang araw. Matindi! Hikab lang ang pahinga... Excited kasi siya sa ending ng story. Ang tanong, may comprehension kaya? Sana meron kasi reading without comprehension is not reading. Ito ay isa lang 'pagbigkas.'

Pangalawa, ang 'The Collector.' Siya ay hindi lang reader, collector pa. Mas marami pa siyang koleksiyon kaysa sa mga nabasang libro. Mas masaya kasi siyang makompleto niya ang series, kaysa mabasa ang content. Binabasa naman niya, pero paminsan-minsan lang. Kaya nga, natatambakan siya ng mga babasahin. Lalo pa, marami siyang paboritong manunulat. Kulang na lang, magtayo na siya ng bookstore o library. Pustahan tayo, meron siyang books ni J.K Rowling, John Green, Martha Cecilia, at iba pa.

Pangatlo, ang "The Borrower.' Siya ang reader na walang pambili ng libro, kaya nanghihiram na lang. Praktikal siya. Once niya lang naman daw babasahin, bakit bibili pa siya? Saka may mga mahihiraman naman siya. Kaya lang, hindi na niya sinasauli. Dinadaan niya sa kalimot. Magsauli man, napilitan lang kasi naalala ng hiniraman. Kapag ikaw ang nahiraman nito, tapos bigla mong naalala na may hiniram pala sa 'yo, matagal na. Naku! Ang sarap niyang hampasin ng encyclopedia sa bumbunan para mawala ang amnesia. (Soli-soli din pag may taym, ha?)

Pang-apat, ang 'The Librarian.' Siya ang reader na katulad ni 'The Borrower.' Ang kaibahan nga lang, si The Librarian, sa library nanghihiram. Minsan, nagbabasa siya sa mga bookstore. Kaya siya tinawag na 'The Librarian' kasi feeling niya, siya ang librarian o siya ang may-ari ng bookstore. Kulang na lang ng sofa. Kulang na lang, ayusin niya ang pagkakasalansan ng mga aklat doon. Well, magandang trabaho ang librarian.

Panglima, ang 'The Choosy One.' Siya ang reader na may pambili ng books. Pero, siya naman ang reader na metikuloso sa pagpili at pagbili ng libro. Mas matagal pa sa siya forever kapag nasa bookstore siya. Hindi malaman kung anong gusto at anong bibilhin. Minsan, wala namang nabili pagkatapos nang matagal na halungkatan. Kulang na lang, awayin siya ng staff ng bookstore. Siya rin siguro ang taong napag-iwanan ng panahon dahil ang tagal pumili ng jojowain. Hayan, single pa rin siya hanggang ngayon. Pihikan?

Pang-anim, ang 'The Non-completer.' Siya naman ang reader na hindi matapos-tapos sa pagbabasa. Maaaring dahil wala siyang time o dahil tamad siyang magbasa. Ang kagandahan sa kanya, katulad siya ni 'The Collector.' Bumibili pa rin siya kahit hindi pa niya tapos basahin ang isang book. Maaaring impulsive buyer siya o maaaring naghahanap lang siya ng genre na gusto niya, kaya panay ang bili niya. Anyways, wala na tayong pakialam doon kasi may pambili naman siya. Baka gusto niya ring magtayo ng library.

Pampito, ang 'The Judgemental.' Siya ang reader ng books na may magagandang cover. Pero, siya ang reader na kadalasang disappointed kasi bumabase sa panlabas na anyo. Napakarami na niyang librong nabili, pero iilan pa lang ang natapos niyang basahin. Ang iba, nasimulan niya lang at ayaw na niyang tapusin. Ang maganda sa kanya, ipinamimigay o ipinapanreregalo niya ang books na hindi niya gusto. Ang pangit sa kanya, hindi pa rin siya nadadala. Sige pa rin ang bili niya ng aklat na may cute na cover. Bahala nga siya! Ayaw kong maging jugdemental sa kanya. Basta totoo ang kasabihang 'Don't judge the book by its cover.' Hindi niya ito alam.

Pangwalo, ang 'The Bookworm.' Madaling sabihing 'bookworm' ang isang taong mahilig magbasa o madalas magbasa, pero mali. Ang totoong 'The Bookworm' ay nagbabasa nang 24/7. Maghapon. Magdamag. Sounds exaggerated, pero baka nga merong uri ng ganitong reader. Kung wala mang may kakayahang magbasa ng 24 oras, kahit 12 hours, puwede na rin sa uri na ito. Pero, wow! Grabe ang sipag niyang magbasa. Mapapasana all ka na lang. Siya siguro ang taong binabayaran para magbasa. Ang motto niya ay 'Reading is life.'

At pangsiyam, IKAW! Oo, ikaw ang pangsiyam na uri. AKO rin, ganito rin akong uri ng reader. Ikaw at ako ay TAYO. Pero, walang tayo. Kidding aside... Kung hindi ka isa sa walong uri, ikaw ang combination nila. O kaya'y ikaw ang naiibang reader na hindi nabanggit. Espesyal ka. Naks! Parang haluhalo lang.

Anoman ang uri natin bilang mambabasa, hindi na bale iyon. Ang mahalaga, patuloy tayong nagbabasa sapagkat ito ay may malaking ambag sa buhay at pagkatao natin. May nabasa ako. Kung ano raw binabasa natin, iyon tayo.

Happy reading, everyone!

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now