Mga Palatandaan na Naghihirap na ang Isang Pamilya

20 1 0
                                    

Iba't iba ang pamantayan ng kahirapan. May mahirap na tao, ngunit pakiramdam niya ay mayaman siya. May mayamang tao, ngunit pakiramdam niya ay mahirap siya.

Ang labo, 'no?

A, basta! Narito ang sariling pamantayan ko ng kahirapan.

Mahirap ang isang pamilya kapag...

Ginagamit nang ilang beses ang pinagprituhang mantika.

Hinahati ang toothpaste para masimot ang laman.

Sinasalin sa bote ng sikat na dishwashing liquid ang laman ng hindi sikat.

Isda ang laman ng ice cream container.

Puro basahan ang laman ng drawer, pero walang kitchen towel o tissue.

Hindi makabili kahit toothpick, kaya gumagamit na lang ng kahit anong matulis na bagay para magtanggal ng tinga.

Hindi bumibili ng hotdog na tender at juicy.

Hindi nakakabili ng brown eggs.

Hindi napapalitan ang toothbrush kahit lampas sa tatlong buwan na ito.

Hindi pa nakakatikim ng lobster, kaya 'urong' na lang ang binibili.

Hindi madalas magpalit ng sponge.

Hindi na nga nakakakain ng bacon, pero ang brief, parang bacon na.

Ang alkansiya, hindi na nga nadaragdagan, nababawasan pa.

Sabong panlaba ang panghugas sa mga plato.

Kung ganyan kayo sa bahay ninyo, well... ganyan din kami, kaya it's a tie. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now