Ang Pinakabatang Plantita

7 1 0
                                    

Margarita: Hello, Tita Aurea! Ang gaganda na po ng halaman ninyo!

Tita Aurea: Hello, Marge! Oo nga... nakakawala kasi ng problema

ang mga halaman.

Margarita: Iyan din po ang sabi Mama.

Tita Aurea: Tama ang Mama. Naku! Ang hilig din niyon sa

gardening.

Margarita: Sinabi niyo pa po... Nahihilig na rin po siya ngayon sa

cactus and succulents.

Tita Aurea: Ay, oo! Maganda ang CNS. Less ang pag-aalaga.

Margarita: Tita, ano succulent din po ba ito?

Tita Aurea: Snake plant? Yes, succulent din iyan.

Margarita: Ang gaganda po ng snake plants ninyo! May apat po

yatang ganiyan si Mama.

Tita Aurea: Ako, bale sampung variety na. Teka, bibigyan ko ang

mama mo. Alin ba sa mga narito ang mayroon siya?

Margarita: Ito po, wala siya. Ito, meron siya. Iyon po ang

wala siya. Iyong nasa puting paso po.

Tita Aurea: Sige, kukuha ako ng suhi...

Margarita: Sige po. Sigurado po akong matutuwa niyan si

Mama.

Tita Aurea: O, heto... Pakisabi kay Mare, semi-rare pa ito.

Sanseviera Kirkii Coppertone.

Margarita: Salamat po! Ang ganda nga po nito. Para itong

kinakalawang. Ganito po ba talaga ang kulay nito?

Tita Aurea: (Natawa) Oo, ganiyan talaga. Nakamamangha talaga

ang mga likha ng Diyos.

Margarita: Totoo po. Para nga pong mahihilig na rin po ako sa

paghahalaman.

Tita Aurea: Wow! Go! Baka ikaw na ang pinakabatang plantita!

Nagtawanan ang dalawa.Batid nilang pareho ang ganda ng likha ng Maykapal ay talagang nakapagbibigay ng pambihirang ligaya.

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now