Batas Pangkalusugan, Ating Alamin!

12 1 0
                                    

Ang bawat Pilipino ay binigyan na ng karapatang maging malusog dahil may batas nang tinatawag na Universal Healthcare Law. Ano ba ito? Halika, ating alamin.

Nakasisigurado na ang bawat sa mura at de kalidad na serbisyong pangkalusugan dahil naisabatas na ang Republic Act 11223 o ang Universal Health Care Law.

Ang Universal Healthcare Law ay nangangalaga sa kalusugan ng mga Pilipino. Nilagdaan ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 20, 2019 upang tiyakin na ang bawat Pilipino, ikaw man ay overseas Filipino worker (OFW), ay sakop ng preventive, promotive, curative, rehabilitative, at palliative care sa pagkakaroon ng awtomatikong pagkakasali sa health insurance program ng pamahalaan. Sa madaling salita, lahat ay kabilang sa programang ito.

Inaatasan nito ang Philippine Health Insurance Company (PhilHealth) na palawakin ang serbisyo sa pagbibigay ng mga libreng konsultasyon, pagpapalaboratoryo, at iba pang diagnostic services. Inaasahan nitong mapabubuti ang doctor-to-patient ratio at maparami ang bilang ng mga hospital beds at kagamitan. Sisikapin ding makapaglagay ng mga hospital sa mga liblib na lugar.

Dahil dito, wala nang dapat ipangamba ang bawat Pilipino na hindi malulunasan ang anomang sakit sapagkat sagot na ng gobyerno ang kalusugan natin. Ang R.A 1223 ay ating alamin, tandaan, at ipakilala sa ating kapuwa. Karapatan nating malaman ang batas na ito. Karapatan natin ang maging malusog. Subalit, tungkulin din ng pamahalaan na tuparin at isakilos ang batas na ito. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now