Text kay Dok

22 1 0
                                    

Martin: Magandang umaga po, Dok Sonny!

Dr. Sonny: Magandang umaga rin!

Martin: Dok, gusto ko lang sanang itanong kung paano ko

masasabing positibo ako sa CoViD-19. Pakiramdam ko

kasi... positibo ako.

Dr. Sonny: Ha? Bakit? Saan ka ba galing?

Martin: Hindi naman po... Hinala ko lang po. Kaya nga po nag-text

ako sa iyo para magtanong. Okay lang po ba?

Dr. Sonny: Oo naman. Responsibilidad ko ang kalusugan ng bawat

tao. Kahit wala pa akong tulog. Basta sa ngalan ng

serbisyo... Sige, magtanong ka.

Martin: Ano-ano po ang sintomas ng CoViD-19?

Dr. Sonny: Ang mga sintomas nito ay lagnat, dry cough, paghingal,

hirap sa paghinga, masakit na kalamnan at kasukasuan,

masakit na lalamunan, sakit ng ulo, pagsusuka, baradong

ilong, pagtatae, at kapag giniginaw.

Martin: Lahat po ba ito ay dapat maramdaman ko bago ko

masabing may virus ako?

Dr. Martin: Hindi naman... May dalawang uri kasi ang sintomas ng

CoViD-19-- ang symptomatic at asymptomatic.

Martin: Ano po ang kaibahan ng dalawa?

Dr. Sonny: Kapag symptomatic, mararamdaman mo ang mga

nabanggit kong mga sintomas. Kapag, asymptomatic, hindi

mo mararamdaman. At ang huli ang pinakadelikado dahil

hindi mo masasabing positibo ka o infected ka na pala.

Samantalang kapag may sintomas, maipapakonsulta mo

agad sa doktor, gaya ko.

Martin: Oo nga po, Dok! Salamat po! Dapat na siguro akong

magpatsek-ap.

Dr. Sonny: Ano ba ang nararamdaman mo ngayon?

Martin: Masakit po ang ulo ko, para akong lalagnatin, at may ubo

po ako.

Dr. Sonny: Simple lang iyan... Puwede bang tawagan na lang kita?

Nahihirapan kasi akong pumindot.

Martin: Sige po, Dok. Salamat!

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now