Diyalogo: Anti-Terrorism Law

27 1 0
                                    

Zandro: Alam mo ba ang ibig sabihin ng bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte?

Nathaniel: Alin do'n? Ang Anti-Terror Bill?

Zandro: Oo, pasado na! Pinirmahan na noong July 3. Napanood ko sa tv.

Nathaniel: Talaga? E, wala naman tayong magagawa roon kasi mga estudyante pa lang naman tayo. Sila naman ang gumagawa ng batas. Tagasunod lang tayo.

Zandro: Oo nga, pero may pakialam dapat tayo kasi tayo ang bumubuo sa gobyerno.

Nathaniel: Naku, Zandro! Dumale ka na naman... Dinadaan mo naman ako sa mga ganyan mo.

Zandro: Hindi... Akala ko kasi interesado ka sa mga isyung napapanood at napapakinggan mo.

Nathaniel: Interesado naman ako, pero hindi ko pa iyan maunawaan... Saka hindi ko naman iyan kailangan.

Zandro: Sa ngayon, oo, pero darating ang araw... kailangan mong malaman ang mga bagay-bagay sa paligid natin. Dapat mayroon tayong opinyon o reaksiyon sa mga isyu.

Nathaniel: Hindi naman kasi tayo magkapareho. Matalino ka. Ako, hindi... Sige na, maglalaro pa kami ni Andoy.

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon