Anak: Paano po kayo nagkapagtapos sa kolehiyo.
Ina: Ginawa kong araw ang gabi.
Anak: Po? Paano po iyon?
(Tumawa muna ang ina.)
Ina: Nag-aaral ako sa hapon hanggang gabi at nagtratrabaho ako sa pabrika ng mga damit mula
umaga hanggang hapon.
Anak: Ang sipag at ang tiyaga n'yo po, Mama! Hanga ako sa inyo.
Ina: Kaya magsunog ka ng kilay dahil edukasyon lang ang maipapamana naming ni Papa mo sa
iyo.
(Kumunot ang noo ng anak.)
Ina: Nag-aral ako nang mabuti. Suntok sa buwan man ang pangarap kong maging guro, naging
determinado ako. Naghigpit ako ng sinturon upang magkasya ang sahod ko sa pag-aaral at sa iba ko pang pangangailangan.
Anak: Naunawaan ko po kahit iyong mga sinabi kahit malalalim at nakatago ang kahulugan.
Pinag-aralan po namin iyan.
Ina: Tama ka! Mabuti naman at nakikinig ka sa iyong guro.
Anak: Opo! Gusto ko po kasing makapagtapos ng pag-aaral. Ayaw kong maging laman ng
lansangan. Magiging haligi ako ng tahanan, kaya ayaw kong iparanas sa magiging anak ko ang maging isang kahig, isang tuka ako. At lalong ayaw kong kumapit sa patalim kapag kumakalam na ang sikmura namin.
Ina: Wow naman, Anak! Ang galing-galing mo naming gumamit ng mga sawikain.
Anak: Siyempre po... Mana po ako sa inyo. Para nga po tayong pinagbiyak na bunga.
(Nagtawanan na lamang ang mag-ina.)
YOU ARE READING
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!