Silid-Aklatan o Google?

39 3 0
                                    

Paglabas nina Athena at Erna sa klase ni Ginang Lopez, ang kanilang guro sa Araling Panlipunan 6, nag-usap sila.

Athena: Saan ba tayo magsasaliksik? Gusto kong makapagpasa ako kaagad ng proyekto kay Gng Lopez.

Erna: Kung gusto mong mauna, mag-Google ka na lang. Pareho lang naman ang mga impormasyon.

Hindi ka pa lalayo at hindi ka matatagalan. May internet naman kayo sa bahay ninyo, 'di ba?

Athena: Oo, meron. Maganda naman ang ideya mo. Mas praktikal at mas mabilis kung iisipin, pero sa

tingin ko, hindi naman lahat ng impormasyon sa internet ay mapagkakatiwalaan.

Erna: Totoo iyan! Kaya nga tinuturuan tayo sa paaralan kung paano pumili ng mga totoong balita at

impormasyon... Ano? Uwi na tayo?

Athena: Sige na, mauna ka na. Didiretso ako ngayon sa silid-aklatan.

Erna: Ha? Sigurado ka? Akala ko ba gusto mong maunang magpasa?

Athena: Hindi na siguro... Mas mahalaga sa akin ang kalidad ng gawa ko. Gusto kong magsaliksik sa

silid-aklatan gamit ang mga tradisyunal na mga sanggunian. Nabasa ko kasi itong seleksiyon dito sa libro natin sa Filipino. Tingnan mo.

Inilabas ni Athena ang aklat, hinanap ang seleksiyon, at ipinabasa kay Erna.

Mga Sangguniang Makaluma at Makabago, Ambag sa Panitikang Pilipino

Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayaman na ang ating panitikan. Ang mga ninuno natin ay nagbibigkas at nagsusulat na ng tula sa mga bato, yungib, o sa kawayan. Sila rin ay may mga awitin na sa bawat gawain gaya ng pakikipagdigma, pagkakasal, pagtatanim, at iba pa.

Nang lumaon, nagkaroon ng bugtong, salawikain, kasabihan, talambuhay, pabula, parabola, epiko, dula, maikling kuwento, at iba pang uri ng akda na kinapupulutan ng aral. Ang ating bansa nga ay lalong yumaman sa mga babasahin. Samot-saring aklat at sanggunian ang nailathala at pumuno sa maraming silid-aklatan sa paaralan, nayon, o bayan.

Sa paglago ng teknolohiya, hindi pa rin nawawala at nakalilimutan ang mga sangguniang katulad ng diksyunaryo, atlas, almanak, magasin, pahayagan, at iba pang aklat. Siyempre, nadagdag ang mga makabagong anyo ng sanggunian nang umusbong ang google, wikipedia, at marami pang iba.

Gayunpaman, ang bawat mag-aaral ay may kalayaang mamili ng sangguniang kaniyang gagamitin upang mas mapadali ang kaniyang pag-aaral. Subalit, hindi ipinapayong tuluyang talikuran ang mga sinaunang sanggunian dahil ang mga ito ay may mas tiyak at maaasahang impormasyon kumpara sa mga online na sanggunian.

Kung anuman ang modernong panitikan natin sa kasalukuyan, bahagi ang mga ito ng mga makaluma at pangkalahatang sanggunian. Huwag sana nating hayaang mabaon na lang sa kasaysayan ang mga ito.


Erna: Wow! Ang ganda naman nito! Kaya pala nahikayat kang gumamit ng silid-aklatan sa pananaliksik.

Athena: Oo, bibihira na lang kasi ngayon ang mga estudyanteng pumapasok sa silid-aklatan dahil sa mga

makabagong teknolohiya. Ayaw ko naman maging kabilang sa kanila.

Erna: Nahiya tuloy ako sa 'yo... Halika na nga! Sasama na ako sa 'yo.

Masayang tinungo ng magkaibigan ang gusali ng silid-aklatan sa kanilang paaralan. 

ABNKKSuLatNPLAKoWo Geschichten leben. Entdecke jetzt