Humugot Ka, Ngunit Nakakatawa

73 4 0
                                    

Nakakatawa ang katrabaho ko. Nagpost sa Facebook ng mga hugot niya. Lumabas lang siya na nagpapansin dahil wala naman siyang kredibilidad na sabihing ahas at buwaya ang kanyang mga kaibigan. Mas asal-hayop pa kasi siya sa hayop.

Nakakatawa pala talaga kapag si Hudas ay pinaratangang ahas ang kanyang kaibigan. Parang walang dating. Parang "A, ganun ba? Okay!"

Ang mas nakakatawa pa ay hindi lang isang hugot ang pinost niya. Marami. Sunod-sunod.

Ang pinakanakakatawa ay hindi naman original ang post niya. Shared posts. Kaya naman, imbes na mainis ang pinatatamaan niya, nasabi na lang na "Nabasa ko na 'yan."

Wala nang mas nakakatawa pa dahil kinabukasan ay dinelete niyang lahat ang posts niya. Marahil ay may nakapagsabi sa kanya na nagmukha siyang timang sa ginawa niya.

Lesson learned. Kung ayaw maging katawa-tawa, huwag humugot nang sobra.


ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon