Pagbibigay sa Pulubi

121 1 0
                                    

Madalas kaming mamasyal na mag-anak. Tuwing Sabado at Linggo yata ay nasa pasyalan kaming mag-anak. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na kaming bumiyahe. Basta ang alam ko lang, masaya ako kapag kasama ko sina Daddy at Mommy.

Lalo rin akong humanga sa aking ama dahil kahit sino ang lumapit sa kanya upang manghingi ng tulong ay tutulungan niya.

"Daddy, bakit binigyan mo siya? Sabi sa balita may batas daw na nagbabawal na huwag magbigay ng limos sa mga pulubi," sabi ko.

"Ay, opo! Mendicancy Law ang tawag doon. Alam ko iyon, Anak. Mas pinaniniwalaan ko kasi na mas mapalad ang nagbibigay kaysa humihingi. Gaano man kaliit o kalaki ang halaga ng binigay mo, biyaya pa rin iyon sa katulad nila," paliwanag ni Daddy.

"Tama ang daddy mo, Errol. Kaya ikaw, kapag may nakita kang katulad niya o manghingi sa iyo, magbigay ka kahit magkano. Hindi masama iyon," dagdag ni Mommy.

"E, kasi... ang iba po, nagkukunwari lang na pulubi... Nagagalit pa kapag hindi nila gusto ang ibinigay mo," sabi ko. "Naalala ko po kasi minsan na nagbigay na ako ng kung ano-ano tirang pagkain sa bag ko, nagalit pa sa akin. Pera raw ang gusto niya."

"Ano ang ginawa mo?" tanong ni Mommy.

"Tumakbo na po ako kasi kung ano-ano na po ang lumapit sa akin. Mga kasamahan niyang malalaking bata. Nakakatakot po sila."

"Naku, mag-iingat ka, Errol. Kaya pala nagtataka ka kung bakit ako nagbibigay sa kanila," wika ni Daddy. "Pero, nakita naman ninyo kung kanino ako nagbigay kanina. Pinipili ko ang mga bibigyan ko."

"Kani-kanino lang po ba dapat magbigay?" tanong ko.

"Sa matatanda at may kapansanan."

"Tama po. Sige po, sa susunod po mamimili na rin po ako ng bibigyan."

"Sino ang bibigyan mo: lalaking pilay pero malusog ang pangangatawan o batang marungis?" tanong ni Daddy.

Napaisip ako. "Pareho pong matimbang sa akin."

"Tama naman! Basta nasa puso ang pagbibigay," sabi niya.

"Opo!" 

ABNKKSuLatNPLAKoKde žijí příběhy. Začni objevovat