Batas Laban sa Pag-abuso sa Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot

165 2 0
                                    

Ang mga batas ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng katahimikan. Ang pagsunod sa mga ito ay magbibigay ng kaayusan at kapayapaan ng mga mamamayan. Maraming pamilya at buhay ang tao ang nasira dahil dito.

Ang pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay ang kadalasang sanhi ng mga krimen sa ating bansa. Kaya naman, ang Republic Act 9165 ay isinabatas upang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan, lalong-lalo na ang mga kabataan at kababaihan.

Para sa kaalaman ng lahat, ano nga ba ang batas na ito?

Ang RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay ang batas na nagpaparusa sa mga taong nagbebenta, gumagamit, nagngangalakal, nagbabahagi, at gumagawa ng mga ipinagbabawal na gamot, gaya ng Cannabis o Marijuana o Indian Hemp, Methylenedioxymethamphetamine (MDMA) o 'Ecstacy,' Methamphetamine Hydrochloride (Meth) o Shabu o 'Ice,' at Opium Poppy. Sa pamamagitan ng batas na ito, mapapatawan ng kaukulang parusa ang sinomang lumabag nito, alinsunod sa bigat ng paglabag.

Ang pamahalaan ay may mga pambansang programa upang masugpo ang pagkalat ng iligal na droga sa bansa. Ang Dangerous Drug Board ay kumikilala sa mga samahan, programa, at proyektong sumusulong o umaabot sa komunidad tulad ng mga paaralan upang ipakilala sa mga kabataan ang masasamang epekto ng pag-abuso sa droga at ang mga kahihinatnan ng pagiging kasangkot sa mga aktibidad ng iligal na droga. Nariyan ang Barkada Kontra Droga (BKD o Peer Groups Against Drugs), National Youth Congress on Drug Abuse Prevention and Control, Drug Abuse Resistance Education (DARE) Program, Kids Against Drugs Program, National Drug Education Program (NDEP), Drug Abuse Prevention Program for the Transport Groups, at Nationwide Caravan of Youth Against Drugs.

Bukod pa rito, may mga itinatag na ahensiya upang mamuno sa paglutas sa problema sa ipinagbabawal na gamot, gaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ang ahensiyang ito ang nangungunang ahensya ng pagpapatupad ng batas laban sa droga, na responsable sa pag-iwas, pag-iimbestiga at paglaban sa anomang mapanganib na gamot. Kinokontrol din nito ang paggamit at paggawa ng mahahalagang kemikal sa loob ng Pilipinas. Ang ahensiya ay may tungkulin sa pagpapatupad ng mga penal at regulasyon na probisyon ng Republic Act No. 9165 (R.A. 9165), kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Katuwang din ng pamahalaan ang mga ahensiyang gumagamot at nagbibigay ng rehabilitasyon sa mga nagiging biktima ng pang-aabuso ng gamot.

Gayunpaman, hinihikayat angbawat isa na umiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now