Pakikinig at Pagbabasa

47 3 0
                                    

Alam Mo Ba?

Ang pakikinig at pagbabasa ay dalawa sa napakahalagang kasanayang dapat malinang ng bawat mag-aaral.

Ang pakikinig ang unang kasanayang itinuturo sa mga mag-aaral, pagtuntong pa lamang nila sa paaralan sapagkat ito ang simula upang sila ay makabasa. Mahirap matuto ang isang bata kapag siya hindi nakikinig.

Ang kakayahang magbasa ay madalas na pagkunan ng marka ng mga guro mula sa kanilang mga mag-aral. Kapag hindi angkop ang kakayahang magbasa ng isang mag-aaral sa kanyang edad o baitang, siya ay isinasali sa remedial reading intervention.

Ang pagbabasa ay gawaing dapat bigyang-halaga ng bawat mag-aaral. Maraming mahahalaga at magagandang bagay ang nakukuha rito. Isa na rito ang kakayahang masagot ang mga tanong tungkol sa mga napakinggan o nabasang seleksiyon.

Ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga kuwento o tekstong pang-impormasyon ay nagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa o pinakinggan. Anomang antas ng tanong ay masasagot ninoman kung siya ay nagbasa at nakinig nang mabuti. 

ABNKKSuLatNPLAKoWhere stories live. Discover now