f o u r t e e n

1K 36 5
                                    

xx: LONG COMMENTS GUYS! LONG COMMENTS! :)

~
F o u r t e e n

Take the risk

~

"Alam mo, ngayon ko lang nalaman na si Kim Jongin pala ay isang dakilang fc na lalaki" pangaasar ko sa kanya pagkapasok namin ng sasakyan. Eh kasi naman! Tama ba yun? Matapos niyang sabihin na siya yung mysterious unknown number na napagkamalan kong si Jongdae na ng titinda ng Yakult nung halloween (jusko hndi ako maka get over doon. Bawahaha!) Bigla niya na lang akong hihilahin, well more or like 'kaladkarin' para lang sumama sa kanya.

"Kaladkarin ba naman ako. Ang fc mo pala noh?"

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Tell you that I'm Kim Jongin then I'll tell you that I'm the one who keeps on texting you? Really? Ilang beses na akong nagpapakilala sa'yo." He said with a smirk on his face. Hindi siya nakatingin sa akin nung sabihin niya yun dahil nakatuon ang atensyon niya sa kalsada, nag mamaneho kasi siya.

"Hmm. Kahit na! Madami pa akong itatanong sa yo eh! Bigla mo naman akong hinila!"

"Ayokong magtatanong ka. Alam kong once na binigyan kita ng pagkakataong mag tanong, wala ka ng tigil" nag glance siya sa akin bago binalik ang atensyon niya sa kalsada.

"Ang yabang nito. Masama bang mag tanong? Curious lang naman eh!"

Hindi na siya sumagot. Sa halip, isang mahinang tawa ang natanggap ko. Aba't tinawanan pa ako?

~*~*~

Hindi naman naging mahaba ng 'road trip' namin dahil 15 minutes lang ay nandoon na kami sa cafe. Wala na kaming ibang ginawa sa loob kundi ang mag bangayan, gusto ko na nga siyang sabunutan dahil sa tuwing naharap siya sa akin, yung mukha niya, parang laging may nakakatawa sa pag m'mukha ko.

Once na ma-park na niya ang sasakyan niya sa parking lot ng sinasabi niyang cafe. Agad akong sumilip sa loob ng glass walls ng cafe para hanapin ang prinsepe ko.

Nahagilap ko siya sa kabilang dulo, doon sa mismong dulo. Nakasuot siya ng makapal na coat at sumbrero. Namukhaan ko siya kasi sa malaki niyang tenga. Sabi ko sa inyo eh! Asset niya na yung tenga niya.

Nakita ko siyang nakaupo habang nakatanaw sa labas ng cafe na para bang may hinihintay.

"Tara na sa loob" sabi ni Jongin sa akin. Nilingon ko siya saka tumango at sabay kaming pumasok sa loob.

Umupo kami sa isang table na kung saan apat na lamesa ang layo mula kay Chanyeol.

"Anong gusto mong order-in?" tanong niya sa akin. Nakatuon ang paningin ko kay Chanyeol na nakangalumbaba habang nakatingin sa labas.

"Uhmm wala. Ikaw na lang ng umoreder" sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

Tumingin si Chanyeol sa wrist watch niya at saka bumuntog hininga. May hinihintay nga siya.

"Kanina pa yan nandito. Pagkagising namin kanina ay mas maaga pa siyang gumising kesa sa ibang members. Nag ayos siya saka pumunta dito. Sabi niya sa akin, dito daw sila mag b'breakfast kasama si Dee" paliwanag ni Jongin. Nakaramdam ako ng unting lungkot dahil sa sinabi ni Jongin sa akin.

"At mukhang hindi pa dumadating si Dee"

Tila kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Nalulungkot ako kasi nahihirapan si Chanyeol, nasasaktan ako dahil para bang binabalewala lang ni Dee ang pagmamahal ni Chanyeol sa kanya.

Siguro kung ako yun, hindi ko siya paghihintayin ng ganito. Sisiguraduhin ko na ipaparamdam ko sa kanya na mahalaga siya sa akin.

Kung ako saan iyon, siguro hindi mahihirapan si Chanyeol ng ganito.

"Matagal na ba silang magkakilala ni Dee?" Tanong ko kay Kai na nakatanaw din kay Chanyeol saka tumingin sa akin.

"Matagal ng kaibigan ni Chanyeol si Dee, at trainee days pa lang namin ay sila na. Mahal na mahal ni Chanyeol si Dee, at ganon din naman si Dee sa kanya. Pero nung mag debut na kami, marami ng nagbago" kuwento ni Jongin.

"Matapos ang debut namin, naghiwalay sila dahil bawal ang may karelasyon. Pero si Chanyeol, ayaw niyang bitawan si Dee kahit na si Dee na mismo ang bumibitaw sa kanilang dalawa"

Sumulyap ako sa direksyon ni Chanyeol. I saw him, in his sad expression. Para bang nasasaktan siya sa situation nila.

No. This can't be right. Hindi ito pwede. Dee dosen't deserve Chanyeol's love.

Kinuha ni Chanyeol ang phone niya mula sa bulsa niya at saka tinapat ito sa tenga niya. May tumatawag sa kanya.

Nakita ko ang pag bagsak ng balikat niya, napahawak siya sa dulo ng kanyang ulo. Mas lalong kinurot ang puso ko.

Ayaw ko siyang makitang nag kakaganito. Ayokong makita siyang nababaliw para lang sa babaeng mukhang hindi naman siya pinahahalagahan bagkos, ginagago lang siya.

Tumayo ito at lumabas sa cafe.

"Mukhang hindi siya sinipot" pasimpleng bulong ni Jongin.

Matapos siyang paghintayin dito ng ilang oras, hindi siya sisipot. NAKAKAIRITA SIYA.

I need to stop this.

Kailangan kong makaisip ng paraan para mapalapit sa kanya, and protect him from that stupid girl named Dee.

Naalala ko ang deal na alok ni Jongin.

'Date me. Tutulungan kitang mapalapit kay Chanyeol. Starting off, ibibigay ko sayo ang number niya'

Date him.

"About doon sa deal" lumingon ako sa kanya. Nakita kong ngumisi siya ng sinabi ko iyon.

"Kapag pumayag ako doon, sigurado ka ba talagang tutulungan mo ako sa kanya?" Tanong ko sa kanya.

"Ofcourse. Date me for atleast 3 months or maybe 2 after that, will break, tapos na ang kontrata" sabi niya habang nakangisi.

I need to do this? Siya na lang ang daan para mapalapit ako kay Chanyeol. Siya na lang ang nakikita kong makakatulong sa akin. Siya na lang.

"Deal?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Nilahad ko ang kamay ko.

"Deal"

Mag sasakripisyo ako, para lang kay Chanyeol, lahat kaya kong gawin. Kahit na makipag date sa isang Kim Jongin, gagawin ko, para lang sa kanya. I'll take the risk, para lang sa kanya.

"Good choice" he said with a smirk.

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now