t h i r t y - t h r e e

856 23 3
                                    


33


I fcking love you!



Pinapasok kami ni Ms. Jung sa loob ng bahay, simple lang ang ayos nito pero maayos ito at malinis. Meron silang pa L na sofa sa kanilang sala. Umupo kami doon, napalinga ako sa mga pictures na nakapatong sa isang cabinet. Nakita ko ang ilan sa mga baby pictures ni Dee, karamihan sa mga ito ay mga pictures nya nung sya ay 7 years old pa lang.


"Mag tea muna kayo, wala dito si Dee. Ang sabi nya may pupuntahan sya eh" nakangiting sinabi ni Ms. Jung sa amin saka umupo sa upuan sa harapan namin ni Bani.


"Ano ba ang ipinunta niyo dito mga hija?" tanong niya sa amin, nanlaki ang mata ko. Ano ba pwedeng palusot? Juskoo.


"Uhmmm.. ano po kasi, akala po namin nandito si Dee eh kaya dumaan kami. Wala pala sya" palusot ko. Sana gumana, hndi ko naman pwedeng sabihin na nandito kami para mag imbistiga di ba?


"Aaah.. Ganon ba, dito na lang muna kayo at mag kuwentuhan muna tayo" nakangiti pa din nyang sinabi sa amin. Napalinga ulit ako sa paligid, madami itong pictures ni Dee pero isang litrato ang nakakuha ng atensyon ko. Ang litrato nila ni Chanyeol.


"10 taong gulang palang si Dee simula nung nakilala niya si Chanyeol. Magkaschoolmate kasi sila nun eh. Ang cute nila tignan" napatingin ako sa gawi ni Ms. Jung, nakatingin ito sa litratong tinititigan ko kanina.


"Noong 10 pa lang si Dee, wala syang masyadong kaibigan at madalas syang nabubully nga mga classmates niya. Laking tuwa ko nang maging magkaibigan sila ni Chanyeol. Hindi sila mapaghiwalay noong mga panahon" paliwanag nya. Napabuntog hininga ako at bumigat ang pakiramdam, mas malapit sila sa isa't isa.


Mas mahaba ang pinag samahan nila kompara sa akin. Hindi malabong mainlove sila sa isa't isa dahil sa hindi sila mapaghiwalay, madami siguro silang naging in common. Hindi ko din masisisi si Yeol at nainlove sya sa kanya.


"Pero Ms. Jung—" 


"Call me tita na lang, hija" sabi nya saka ngumiti. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.


"Tita, alam ko po na hindi niyo tunay na anak si Dee. Gusto ko lang po malaman kung paano nyo po sya nakuha?" diretsong tanong ko. Mukhang nagulat sya sa tanong ko pero agad din naman syang nakabawi.


"Akala ko alam niyo na kung paano namin sya inampon." sabi niya saka humugot ng hininga "Hindi kasi kami magkaanak ni Mr. Jung kaya naisipan naming umampon na lang ng bata sa isang orphanage. Doon namin nakita si Dee. Ang sabi ng mga taga pamahala sa orphan ay nawala daw si Dee sa isang aksidente na naganap sa isang theme park." tumigil sya sa pag sasalita na para bang may nakalimutan sya.


"Sa pagkakaalala ko, nagkaroon ng sunog sa isang theme park malapit sa may orphan noon at doon nawalay si Dee sa kanyang tunay na mga magulang. Nakakalungkot isipin na ngyari iyon sa isang 7 yr old na bata" sabi nya habang malungkot na nakangiti. Dake smile kumbaga.

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now