t w e n t y- n i n e

975 29 1
                                    

29

Binded by love


Makalipas ang ilang minuto sa byahe ay nakababa na kami sa Yuldong Park. Naging masaya ang byahe dahil sobrang madami kaming napag usapan at halos hindi na mawalan ng topic. Para bang komportable na siya sa akin. Napangisi ako. 

Nakarating kami doon na medyo pagabi na, although medyo madami ang tao doon. Alam ko na hindi nila makikilala si Chanyeol. Napalingon ako sa kanya, kita ko ang saya sa mukha niya. Hmm, siguro nga at gusto niyang maging malaya kahit na isang araw lang. 

"Let's go?" sabi ko saka ngumiti sa kanya. Naglakad-lakad kami sa park, madaming puno dito at may mga bench din na pakalatkalat. May mga street foods din na binebenta sa tabi-tabi. 

Tinanong niya at inalam niya kung kamusta na ako nung mga nakaraang araw. Sinabi kong okay lang ako dahil iyon naman ang totoo pero syempre hndi maiwasang hindi maistress. Nag hire ako ng private investigator para mangalap ng impormasyon tungkol kay Dee. Syempre kung sisirain ko sya kailangan alam ko ang lihim niya, nagmamalinis lang yan pero alam ko. May baho ding ilalabas yan. =_=

"So ikaw kamusta? I've watch your new drama, 'EXO Next Door' and jusko grabe ang tawa ko doon, lalo na sa babae. And you, wow! Being cold like that really suit you, Mister" sabi ko saka tumawa "Naalala ko tuloy nung una mo akong nakita. You were so cold to me" 

Nakita kong kumunot ang noo niya at para bang nagtaka sa sinabi ko. Napailing na lang ako at pinagpatuloy namin ang paglalakad. 

"Was I really that cold to you?" sabi nya saka ngumisi. I saw his dimples, bumilis ang tibok ng puso ko. Para bang nakipag habulan ako. Nag tagpo ang tingin namin, ramdam ko ang pag angat ng dugo sa mukha ko. Namumula na ata ako kaya napaiwas ako ng tingin at napayuko. "Sorry about that, Nadia. It's just that I got really scared of you back then. Alam mo naman na yung ibang sasaeng ay sinasaktan kami. I understand them because they love us so much, minsan nakakasakit na" sabi niya. Napaangat ang ulo ko para tignan siya. Well, he has a point though. Ang mga tulad namin ay kinakatakutan dahil nga sa sobrang pagiging obsses namin. Pero, masisisi niyo ba ang mga katulad ko. Nagmamahal lang naman kami hindi ba? 

Gusto ko kasi, lagi akong nandyan sa tabi niya sa lahat ng tagumpay na natatamasa niya. Sa mga issues na kaharapin niya, lagi akong nasa tabi niya. Gusto kong iparamdam yun sa kanya, that's why I'm doing all this sacrifice, all for him. 

"Sorry about that oppa. Sorry if I scared you before because I'm harmful. Pero--"

"It's okay, I'm thankful. Na lagi kayong nandyan kahit na anong mangyari" sabi niya saka ngumiti. Naaninag ko na naman ang dimples niya, napahugot ako ng malalim na hinga. His effect on me, so strong that I cannot control. 

Wala na akong nasabi, he occupied my thoughts. Yung dimples at yung ngiti niya ay para bang nagpabagal ng paggalaw ng mundo. Nahihibang na nga siguro talaga ako. I'm in love with this guy at hindi ko alam kung hanggang kailan itong nararamdaman ko. I'm not sure, pero ayoko na munang isipin iyon. Masaya ako sa oras na ito. 

Natahimik kaming dalawa, masaya ako sa katahimikang iyon. Napalinga ako sa paligid, may nakita akong nagtitinda ng mga street foods. Agad kong hinila si Yeol patungo doon "Before anything else, kumain muna tayo!" sabi ko ng makarating kami sa tapat ng tindahan. 

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now