Finale

1.6K 30 15
                                    


Epilogue

Will You?


Nanatili kaming ganon, nakatingin sa isa't-isa na para bang di magkakilala di kaya para ba akong isang multo mula sa kanyang nakaraan. 

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa mga tingin nya, para bang sasabog na ang puso ko sa kaba. Nanatili ang mga kamay nya sa kanyang bulsa. 


"Bakit ka pa bumalik, Nadia?" tanong nya habang humahakbang papalapit sa akin. Gusto kong umatras. Gusto ko syang talhikuran. Gusto ko siyang iwan dito at mag back out na lang. Pero alam kong wala na akong magagawa, nandito na ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Kailangan ko ng lakas para sabihin lahat sa kanya.


"You still hate me up until now, Jongin? Sinunod mo talaga ang sinabi ko sayo noon ah" pabiro kong sinabi. Nandilim ang mga tingin nya sa akin at nilapitan ako. Sobrang lapit nya sa akin yung tipong maduduling na ako kapag tinitignan ko sya kaya nag iwas ako ng tingin. 

"Oh yes, Nadia! I so damn hate you so much! Dapat di ka na lang nagpakita ulit Nadia! Dapat nawala ka na lang!" sigaw nya sa akin. I pushed him away from me. Hindi na kasi ako makahinga ng maayos kapag ganon sya kalapit sa akin eh.

"I'm sorry Jongin" bulong ko pero sana ay narinig nya ito. Napatingin ako sa kanya, hoping for his response. 

Tinitigan niya ako. He gave me a smirk na para bang gumawa ako ng nakakatawang bagay. Napasinghap ako ng lumapit pa ito lalo sa akin. Pakiramdam ko eh aalis na yung puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Nanghina ang mga tuhod ko. Putek! Di ko inakalang mag tatraydor ito sa akin!


"You're saying sorry to me Nadia?" ngumiti ito ng mapait sa akin "Ito ba ang dahilan kung bakit ka pa bumalik dito, Nadia" 

"Y-yes" mahina kong sagot. Galit talaga sya sa akin. 


"Makalipas ang ilang taon. Hinintay kita para sabihin yan! I can't believe you, you know that" matabang nyang sinabi saka bahagyang lumayo sa akin. Fck this guys. Nag-init ang ulo ko! "You're not really sorry, Nadia. Mukhang naapakan ko lang yang ego mo kaya mo nasabi yan!"


Tinulak ko sya ng malakas. Nag-alab ang galit sa puso ko, alam kong hindi ko na naman ma kokontrol ang galit ko ngayon " Ego? Damn it Jongin. I'm sincerely sorry for what I have caused you 5 years ago. I came here, in front of  you to say that tapos ganito ka pa mag salita?!" sigaw ko sa kanya. Nakaka frustrate 'tong lalaking to!

"I understand that you're damn mad to me! I understand it, mukhang gusto mo na nga ako mamatay eh. But please try and appreciate my gestures!" 


Naningkit pa lalo ang mga mata niya. Naningkit din ang mata ko. I know, wala akong karapatang magalit but damn it! I can't help but to burst my anger.

"Oh wow Nadia. After what you did, tingin mo ba ganon kadali yun? Tingin mo ba ganon lang kadali na tiisin yung mga araw na hindi ka nakikita? Hah Nadia? Tingin mo madali iyon para sa akin!" sigaw nya. Nalusaw ang galit ko at nakaramdam ng pagka-guilty "You don't understand me"


Nanghina ko ng lubusan, naramdaman ko ang mga luha na umagos mula sa aking mga mata. Tinignan ko sya diretso sa mata na para bang wala akong ibang nakikita kundi siya. Siya lang. 

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now