f o u r

1.6K 61 8
                                    

F o u r

'Nice to see you again.'

Nang mapalabas ako  ay hindi ko mapigilang umiyak dahil sa panghihinayang. Hinayang dahil sa hindi ko napanuod ang  concert nila. Sa sobrang inis ko ay sinipa ko ang pader.

"Aray!" sabi ko habang iniinda ang sakit. Napahawak ako sa may paa ko dahil sa sakit. Napaupo na lang ako sa may sulok.

It's nearly 11:30 pm at malapit na mag madaling araw. Imbis na natutulog ako ay nandito pa din ako sa may labas ng Arena, sa loob ng malamig na gabi.

Ayoko pang umuwi dahil sa wala na naman akong kasama sa bahay. Forever alone ako, nganga sa bahay. Ma- b'bored lang ako dun. Isa pa, hihintayin ko na lang si Bani na makalabas sa Arena after na concert at sa kanya ibuhos lahat ng sama ng loob at panghihinayang sa pagkakataong ito.

Nanatili akong nakaupo doon at nag soundtrip na lang muna. Pinatunog ko ang 'Peter Pan' ng Exo. Bagama't luma na ito. Gustong-gusto at hindi  pa din ako  nagsasawang pakinggan ito.

'Let me be your Wendy, Chanyeol'.

~~~

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa labas. Napatingin ako sa cellphone ko para tignan ang oras. 12:30 na pala at isang oras  akong tulog. Masyado akong napagod kaya madali akong  nakatulog.

Nakayuko ako habang nakaupo. Pinilit kong idilat ang mata ko pero sa sobrang pagod ay napapapikit pa din ako. Naramdaman kong may tao sa harap ko dahil may nakita akong paa sa harap ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko.

Hindi ko siya mamukhaan dahil bukod sa madilim ang paligid ay medyo malabo ang paningin ko dahil sa bagong gising.

"Nakakatuwa ka talaga. Nagawa mong magpakita sa may stage, sa harap ng madaming tao. Nagawa mo pang matulog sa may kalsada" malamig na sinabi ng kaharap ko. Kaunting nag adjust ang paningin ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Kai?" gulat kong sinabi. Napangisi siya akin habang naka pamulsa .Ako naman,  napa awang ang aking bibig dahil sa gulat.

"Yup. It's me, again" sabi niya sa akin habang naka ngisi. Inilahad niya ang kamay niya na ikinagulat ko.

"Tumayo ka na dyan. Mukha kang tanga dyan eh" sabi niya. Nagdadalawang isip ako kung kukunin mko ba ang kamay niya o hindi?

In the end. Hindi ko ito kinuha at tinayo ko ang sarili ko. Pinagpagan ko ang aking sarili at saka nahihiyang tumingin sa kanya. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko. NAKAKAHIYA!

"Uhmm..." sabi ko. Tila may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako nakapag salita.

"Bakit ba lagi tayong nagkikita? Ang weird lang" sabi niya at natawa. Natawa din ako ng mahina. Oo nga, bakit ba lagi na lang nag kukrus ang landas naming dalawa.

"H--indi ko din alam" naglakad ako at sinundan ako nito. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin . Awkward.

"Sayang at hindi mo kami napanood. Sa susunod, pumunta ka ng maayos." pagkasabi niya nun ay tumawa siya at naglakad papaalis. Napatigil ako at nakaramdam ng sama ng loob.

Pagkaalis niya ay saka naman nagsilabasan ng mga nanunod sa concert. Naiwan ako doong nakatulala.

"Nadss!" Sigaw ni Bani sa akin. Tumakbo ako papunta sa kanya. Pagkalapit ko sa kanya ay agad niya akong hinampas!

"Putcha ka Nads! Anong ginawa mo at napunta ka sa stage?Feeling mo pa member ka din ng EXO? Isa pa, bakit ba sa stage ka napunta eh VIP ticket ang binili mo! Ang daya mo kahit kelan!" Pinag hahampas  niya ako sa braso. Napailing  na ako lang. Wala siyang alam. Wala.

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon