t h i r t y - f i v e

937 33 15
                                    

35


Game over


Hindi ko alam kung ano yung naramdaman ko nung hinalikan ako ni Jongin. Punyetang negro yun! Bakit nya ba ako hinalikan, worst sa labi pa! PUNYETA RESERVE YUN PARA KAY YEOL!

Kaya ayun, paggising ko kinabukasan sobrang nairita ako. Lahat ng tao tinatarayan ko, pinipilosopo. Pati nga si Bani na ganon ko eh.

"Ano bang topak mo ngayon, Nadia?" tanong ni Bani sa akin nung pumasok sya sa kuwarto ko. Sinimangutan ko lang sya saka ginulo ang buhok kong magulo na. Uggh, that fcking kiss mess me up like hell. Lesheng Jongin!

"Can I tell you a short horror story?" tanong ko sa kanya. Haaaay, hndi ko pwedeng sarilihin ang problema ko ngayon. Mas lalo lang akong mababaliw.

"Tingin ka lang sa salamin beh, pang horror na" natatawang sinabi ni Bani kaya binato ko ng unan at tumama sa mukha nya "Aray! Punyeta naman eh! Mukha ka kasing si Sadako ngayong umaga. Sadako na panda. Laki ng eyebags mo eh! Natulog ka ba?"

"Jongin just kissed me again, Bani. Pangalawang beses na niyang ginawa yun! I can't take it Bani, lalo niya lang ako ginugulo eh." nagpagulong-gulong ulit ako sa higaan ko. Hindi ko na kasi alam gagawin ko eh, Broken and confuse at the same time.

"Alam mo kasi Nadia, napaka tanga mo kasing babae eh. Alam mo yun?" sabi ni Bani saka umiling. "Simula pa lang naman kasi ng pahahabol mo kay Yeol, alam mo namang napaka impossibleng humigit pa sa fan ang tingin niya sayo eh."

"Alam ko yung feeling, Nadia. Ganyan din naman ako kasi Xiumin eh. Pero tanggap kasi alam ko na ang main goal ko lang ay maiparamdam sa kanya na nandito ako palagi sa tabi niya. Na hindi ako mawawala. Kahit wala nang 'kami' ayos lang." seryosong sinabi ni Bani. Bihira lang kami magkaroon ng seryosong usapan tulad nito.

"Sinubukan ko lang naman Bani eh. Kasi alam ko na mahal ko siya. My love for him is fearless, selfless." paliwanag ko sa kanya. Pero alam ko naman na kahit anong paliwanag ang gawin ko, hindi nya ako maiintindihan.

"I know Nadia, you love him so much. It's toxic. You're losing yourself because you love him so much. Hindi iyon maganda Nadia" paliwanag nya ulit. Tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama, kinuha ko ang coat ko at lumabas sa kuwarto, I need to be alone.

Hindi natahimik ang utak ko sa kakaisip ng mga posibilidad. Paano kung kinontrol ko ang sarili ko kay Yeol noon, magkakaganito kaya ako ngayon? May mga bagay nga siguro talaga na hindi maiiwasan. Mahirap manipulahin lahat, lalo na ang feelings. Yun siguro ang ngyari sa akin ngayon.

Naiinis ako dahil si Dee na mahal ni Yeol ay hindi sya kayang mahalin pabalik, si Jongin na habol ng habol at ginugulo ako. Hindi ko alam kung saan ko na ilulugar sarili ko sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon.

"Nadia, okay ka lang?" napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin, naningkit ang mata ko sa nakita ko.

"Ano ba sa tingin mo Dee? Mukha ba akong okay hah?!" napasigaw ako sa sobrang galit, ang bobo lang kasi alam naman na hindi ako okay magtatanong pa! Mga taong ganyan dapat namamatay na eh. Tsss..

"S-sorry Nadia. Ano ba kasing ngyari sayo, bakit ka ba naiyak at naglalakad ng mag isa?" tanong nya napairap ako. Gusto niya ba talagang malaman? Pag nalaman nya ba maiitindihan nya ako? MALAMANG HINDI!

"Oh wala naman Dee. It's just that gusto lang kitang sampalin at sabunutan. Kasi sa totoo lang gusto ko na mamatay sa ingit. Naiingit ako dahil yung lalaking mahal na mahal ko eh mahal ka tapos ikaw?! Ikaw na binabale wala lang yung taong pinahahalagahan ko. Bakit ka ba ganyan Dee?" hindi ko napigilan sarili ko at umiyak, punyeta ayokong umiyak pero hndi ko magawang tumigil. Sobrang bigat kasi ng damdamin ko, pakiramdam ko sasabog na ako. "Hindi mo ba sya kayang mahalin?! Hindi mo ba sya kayang pahalagahan?! TANGNA LANG!" buong lakas kong sinigaw. Sumabog na lahat ng galit ko. Hindi ko na alam gagawin ko, nanginginig na ako sa sobrang emosyon.

"Ginawa ko lahat Dee, kung alam mo lang. Halos mawasak ko na sarili ko Dee. Ang sakit pero ikaw?! PUNYETA LANG DEE"

"Hindi ko naman kasalanan na mahalin ako ni Yeol, Nadia. Hindi ko kasalanan lahat. Wala akong kasalanan" mahinahon nyang sinabi. Lalong nag init ang dugo ko sa kanya. Sa sobrang inis ko ay nasabunutan ko sya.

"ARAY KO NADIAAA!" sigaw nya pero hindi ako tumigil, naiinis ako ng sobra sa kanya. Sobrang-sobrang inis!

"Nakakainis ka Dee. Naiingit ako dahil ikaw ang mahal nya! Napaka walang kwenta mo Dee. Bakit ka ba ganyan!?" sigaw ko habang sinasabunutan siya. Lalong umagos ang luha ko, para bang water falls na hndi nauubusan ng tubig.

Patuloy ko syang sinasabunutan. Sobrang nangigigil ako sa kanya. Matagal ko ng gustong sabunutan 'tong babaeng 'to!

Nagulat ako ng biglang sumulpot si Chanyeol sa likod ni Dee at inilayo ito sa akin "ANO BANG PROBLEMA MO NADIA?!"

Napatigil ako dahil sa sigaw niya. Para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Naiyak ako lalo dahil sa kanya.

"ANONG PROBLEMA, CHANYEOL?!" sigaw ko pabalik kahit na sobrang hirap dahil pakiramdam ko may nakabara sa lalamunan ko "SIYA ANG PROBLEMA CHANYEOL! HINDI MO BA NAKIKITA HAH?!" pinunasan ko ang luha ko at pilit na pinagpatuloy ang sasabihin ko.


"Nakakainis lang kasi Chanyeol eh. Masyado ka nyang tini-take for granted! Tapos ikaw? Nagpapasamantala ka naman! Hindi mo alam na sa tuwing sinasaktan ka ng impaktang yan, eh sobrang nag titimpi ako na hindi siya masaktan, physically! Alam mo ba?!" naiiyak kong sinabi. Gusto kong masabi lahat ng bigat sa dibdib ko. "Sa tuwing sinasaktan ka nya, ako itong gustong lumapit sayo at damayan ka Chanyeol! At pilit ko pa ding hinihiling na sana, sana ako na lang at hindi siya!"

Nanliit ang mata ni Chanyeol. Para bang may nasabi akong mali. Kinurot ang puso ko, hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko ng sumabog. "Oo, sinasaktan nya ako. Oo, nagpapakatanga na ako sa kanya, Nadia. Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit kahit anong layo ang gawin ko sa kanya, bumabalik at bumabalik pa din ako sa kanya. Kahit anong gawin ko, mahal ko pa din sya. Kahit anong gawin nya, mahal ko pa din sya. Wala akong magagawa, because I owe my heart to her. I devoted my love to her, and only her I will love" malamig nyang sinabi, straight into my eyes.

"At kahit anong gawin mo, you will never change what I feel for her" sabi nya at tuluyan akong tinalikuran kasama na si Dee. Doon, bumuhos na ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Nanghihina ang tuhod ko, hindi ako makahinga ng maayos.

Talo na siguro ako. Wala na akong pag-asa. Galing na mismo sa labi niya na wala ng pag asang mahalin nya ako.

Sumugal ako sa isang bagay na alam ko namang talo na ako. Pero, nag baka sakali ako na baka, mag bago lahat. Na baka mahalin nya din ako, na baka mapansin nya na andito ako, handang mahalin siya ng buong-buo. Pero wala.

Napaupo ako sa kalsada at di mapigilang umiyak. Gusto kong mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sana mawala na lahat ng bigat sa dibdib ko.

May humawak sa braso ko kaya napatingala ako. Nakita ko ang nag aalalang mukha ni Jongin, nakonsensya ako. Sa lahat ng pinag sasabi ko sa kanya na nakasakit ng damdamin nya.

"Anong ngyari? Bakit ka naiyak?" nag aalala nyang tinanong sa akin. Pilit ko syang inabot at niyakap ng mahigpit.

"Jongin" bulong ko sa tenga nya habang mas lalong naiiyak. Alam kong pinag titinginan na kami ng tao sa paligid pero wala akong pakialam. "Suko na ako"


"Saan?" tanong nya at sinuklian ang yakap ko. Nakaramdam ako ng siguridad sa yakap nya. Ang sarap sa pakiramdam.

"Sa paghahabol kay Chanyeol. Ayoko na. Suko na ako. Wala nang pag asa" bulong ko saka umiyak sa balikat nya.

Ayoko na. I tried my best to make him mine, I gave my all pero si Dee ang panalo. All I can do is to accept the fact that he will never be mine.


~*~

MSG:

GUYSSSS ITO NA! AHAHAA SORRY FOR THE 2MONTHS HIATUS. OMYGODDDDDDDDDDDD. HAHAHA MAY TAO PA BA DITO? MAY NAGBABASA PA BA? MAY NAG AABANG PA BA? HAAAAY.

ANYWAY, I'll be updating regularly na dahil tatapusin ko na itey. YIEEEEEEEEEEEE. Konting chapter na lang guys, matatapos na hahahaha.

Thank you sa nag abang, nag babasa at bumabasa!

~shanyy

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon