t h i r t e e n

1.1K 38 10
                                    

xx: Comments please! :)

~*~*~

T h i r t e e n

We breathe the same air

~

"I can help!"

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Ngumisi lang ito sa akin.

"Paano?" Tanong ko habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Well, Tutulungan kitang mapalapit kay Chanyeol" sa sinabi niya. Agad na nag ningning ang mga mata ko.

"T-talaga?"

"Yes. Pero sa isang condition." Bigla akong napasapo ng noo. Okay na eh! Okay na yung first sentence niya. Tapos may condition pa?!

"At ano naman iyon?" tanong ko sa kanya. Ngumisi ito ng tuluyan na para bang may masamang balak.

"Date me" lalong lumaki ang ngisi sa kanyang mga labi nang makita nyang nagulat ako sa sinabi nya.

"Ano?!" Ngumisi ito saka inakbyan ako na para bang casual lang ang lahat.

"Date me. Kapag pumayag ka. Tutulungan kitang mapalapit kay Chanyeol. Starting off, ibibigay ko sayo ang number niya" sabi niya habang nakangisi. Yung ngising mapang asar. Gusto ko na siyang batukan, sapakin at tadyakan pero baka masugatan ko pa siya, magalit pa ang manager nila. Tss.

"Bakit mo naman na isip yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Well, kung hindi mo alam. Halos araw-araw kitang sinusundan. Mapa school man yan o pag stalk kay Chanyeol, lagi akong nakasunod sa iyo" sabi niya habang nakatingin sa kawalan. "I did that because I find you interesting."

Kaya pala pakiramdam ko laging may nakasunod sa akin lagi. Akala ko ako lang yun pero siya pala iyon! Jusko.

"Pinag aaralan ko lahat ng galawa mo at dahil doon, mas lalo akong naging ineteresado sa iyo" sabi niya saka ngumisi.

"So. Ano deal?" Casual niyang tanong.

Jusko! Bigla akong naguluhan. Ano ba itong gagawin ko? Eeh. Ayoko namang masira ng Kaisoo dahil sa akin. I mean, tutal shipper kaya nila ako. Jusko!

Isa pa, parang ang weird nun at nangako ako na hindi ako makikipag date kung hindi naman si Chanyeol iyon!

"I'll think about it" simple kong sinabi saka naglakad papalayo sa kanya.

Jezz. Jongin must be so insane.

~*~*~*

"SINABI NIYA YUN?"Tumango ako kay Bani saka bumuntog hininga pero tinawanan niya ako ng malakas.

Halos mangiyak-iyak na siya sa kakatawa kaya kanaltukan ko kaya yun, napa aray siya at bumalik sa huwisyo.

"Ano bang nakakatawa doon? Nakakairita kaya." Sabi ko saka hinigop ang choco latte na inorder ko saka kumagat sa donut na binili ko. Nakatambay kami ngayon sa isang cafe dito sa tokyo na kung saan napagusapan naming dito kami magkikita.

"Natutuwa lang ako dahil siya, si Kim Jongin na mismo ang nag kusa na tulungan ka kay Chanyeol. Pero..."Muli, natawa na naman siya "hindi ko akalaing may condition iyon, at iyon ay i-date ka!" Tumawa na siya ng malalakas. Inirapan ko na lang ito.

"Sa tingin mo ba? Dapat ko yun tanggapin?" Tanong ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Muli, humagalpak na naman ito ng tawa. Tss. Naaabno na naman siya.

Loving Park ChanyeolOnde histórias criam vida. Descubra agora