t w e n t y- t h r e e

1K 32 15
                                    

23

Clingy Jongin

Hanggang ngayon, hindi ko pa din matigil na isipin na kinausap ako ni Chanyeol ng masinsinan.  And the best part? Kilala niya ako! Alam niya ang buo kong pangalan! Hinatid niya pa ako. Omygosh. Gusto ko ng mamatay sa sobran feels na nararamdaman ko pero hindi pwede, hindi pa pwede.

Nagising ako ng masaya nung umagang iyon. Sobrang good vibe na good vibe ako.

"Lalabas lang po ako!" paalam ko sa yaya namin saka ko binuksan ang pintuan. Nagulat ako dahil nandoon si Jongin, nakaupo sa may hagdanan habang nakasandal sa may pader, nilapitan ko ito at  nakita kong tulog ito.

HALA?! Anyare dito?

Hinawakan ko ang kamay niya, malamig ito. Mukhang kanina pa siya sa labas. Sobrang nag aalala ako kay Jongin, baka magkasakit siya sa ginawa niya. At alam kong hindi pwede dahil sobrang busy niya para sa comeback nila.

Agad ko siyang pinabuhat papunta sa sofa at doon siya pinahiga. Napahanda ng maligamgam na tubig at face towel. Kinumutan ko siya saka pinunasan ang mukha niya. Nagising siya sa ginawa ko. Tinitigan niya ako habang pinupunasan siya, tinanggal ko yung jacket niya, pinunasan ang braso niya, nilalagnat na siya, nanginginig ang buong katawan niya, but still nanatili itong nakatingin sa akin.

Pilit niyang hinahabol ang tingin ko, hindi ko alam kung bakit. Bakit? Bakit siya nandito ng ganito kaaga? Bakit siya nilalagnat ng pumunta dito? Bakit?

Pinunasan ko ang braso niya, still looking at him as well. Para kaming tanga na nag tititigan sa isa't isa. Umiwas ako ng tingin.

"Ano bang ginagawa mo dito? Ang aga mong mambulabog ah" pabiro kong sinabi. Napaiwas siya ng tingin. "At bakit ka pumunta dito? Alam mo ng nilalagnat ka eh!"

Hindi siya umimik. "Kulang na lang maging yelo ka sa labas. Ano bang trip mo?"

"Wala"

"Wala?!" Sabi ko. Ewan ko kung bakit mainit ang ulo ko sa kanya ngayon. Siguro dahil sa ginawa niyang pagpunta sa bahay sa hindi malamang kadahilanan.


Tinalikuran ako nito at binalot ang sarili sa kumot. Ngayon, alam ko na. May saltik 'to ngayon.

Napatunganga ako doon at nag-isip. Ano ang drama nitong lalaking ito ngayon kaya ang cold niya sa akin? Hindi naman siya ganito ah?

Sinilip ko siya, nag lean ako para makita kung tulog na siya. Nakapikit ito, malamang tulog na 'to.

~*~*~

Nanuod ako ng TV habang siya ay naka higa sa sofa namin, hinintay ko siyang magising.

"Hello Bani?" tugon ko kay Bani sa kabilang linya ng telepono.

"Bakit? Ang aga mo naman mangbulabog!"

"Eh kasi, may problema ako" sabi ko sabay lingon sa tolog na Jongin.

"Ano nga yuun?"

"Exticed lang 'teh?" mapang asar kong sinabi sa kanya.

"Pabitin ka kasi eh!"

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now