Special Chapter

1.5K 24 5
                                    


Because I love you all way too much xx

P.S: Don't skip the A/N sa pinaka dulo. May gusto akong sabihin dun hehez xx


Jongin's Point of View


I never liked our sasaeng fans.

They are too obsessive, too eager to get our attention. Yes, I know that they love us. But sometimes their love hurt us, they invade our privacy and sometimes, sila pa ang makakasira sa amin. 

They love too much that sometimes it gets out of hand. 


Una ko siyang nakita sa labas ng dorm namin. She was always there, waiting for Chanyeol. She's one of those who are obsess with Chanyeol.

Ayoko sa kanya. She's too stupid. Bakit nya magagawang pahirapan ang sarili niya para lang kay Chanyeol? Bakit kailangan niyang saluhin lahat ng masasakit na salita for Chanyeol? 


"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nung makita ko ulit sya sa labas ng dorm, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas loob para lapitan sya in fear of getting hurt. Hindi ko naman alam na baka she's too aggressive at kuyugin nya ako.


"Sino ka ba?" tanong nya pabalik sakin. Napangisi ako. Seriously? Hindi nya ako namukhaan kahit na sa tono pa lang ng boses ko? She's really something.

"You know what? I really appreciate all your efforts. Yung pagpunta mo dito lagi para lang abangan kami. Thanks for that" sabi ko saka nilingon siya. Napatitig sya sa akin, and probably she already recognized me. Napatitig ako sa kanyang maamong mukha, ang bangs nyang humaharang ng konti sa kanyang mata and her perfectly long wavy hair. Napaiwas ako ng tingin, dahan dahan kong tinggal ang sumbrero ko.


"Hi, I'm Kim Jongin" sabi ko saka ngumiti. Nanatili syang nakatulala sa akin, probably astound  to see that I'm actually talking to her. Napangisi ako, why do I find it adorable when she's staring at me and amazed?


"And you are?" pag tatanong ko ulit sa kanya. Hindi nya agad ako sinagot, nanatili itong nakatingin sa akin, gulat at tila ba hindi makapaniwala. 


"N-Nadia Kim, hehe" sabi niya saka napangiti. Those smile of hers is truly genuine and pure. Napangiti ako.


Tinanong ko sya kung nilalamig ba sya, at sinabi niyang hindi pero halata kong nilalamig na sya. Kinuha ko sa bulsa ko hot pack at ibinigay ito sa kanya. 


"Nga pala, wala si Chanyeol ngayon dito kaya balewala lang ang paghihintay mo dyan" sabi ko bago sya tinalikuran at tuluyang pumasok sa dorm nang may ngiting nakaukit sa aking mga labi.


Fansigning kinabukasan, I was expecting her at the venue. Pagka akyat pa lang namin sa stage para magpakilala ay nahanap kaagad ng aking mga mata si Nadia. Napangiti ako habang nakatingin sa kanyang maamong mukha na naka tingin lamang kay Chanyeol. 


Her eyes were only for Chanyeol. Yan ang naisip ko kaya napailing ako at umupo sa upuan para simulan na ang fansigning.


Kinausap ko ito, nang sya na ang nasa harapan ko. She's still astounded na nakita nya ng harap harapan si Chanyeol. Nanatili ang mga mata ko sa kanya, while talking to her. I was trying to get her attention. But still, ang nasa utak nya ay si Chanyeol lamang. I felt disappointed. Nainis ako sa sarili ko dahil sa pag pupumilit para sa kanyang atensyon. 

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now