t w e n t y - f i v e

981 34 6
                                    

25

 Messed Up

I went to the mall. Gusto ko kasing mag nilay. Kasi naman eh! Ang gulo, ang sakit na sa ulo. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko di ba? Sa simula pa lang dapat hindi na ako pumasok sa mundong ito. Alam niyo yun? Dapat I just stayed in my shadows at hinayaan na lang sina Jongin at Chanyeol. Ayan tuloy, si Jongin ang na iipit sa pinag gagawa ko. 

I care for him, of course. Kaibgan ko siya kahit papaano at hindi ko iyon binabali wala. Eventhough  I can't see him in a romantic way, pinapahalagahan ko ang friendship namin. That's it. Simula pa lang naman, si Chanyeol na talaga eh. Hindi ko ma explain kung bakit at kung paano nag simula ang lahat. Ganon naman ang love di ba? Hindi iyon napapaliwanag ngunit nararamdaman. 

I know. Parang ang korny na ng pinag sasabi ko, pero yun ang tunay kung nararamdaman. You can't blame me for that. 

Tumingin-tingin ako sa mga stores. Napatingin ako sa may whole body mirror and I saw my own reflection. Napansin ko na ang haba na ng buhok ko. Kelan ba ako huling nag pagupit? I'm wearing a simple jeans and t-shirt and doll shoes. Jeez. If I'm gonna make Park Chanyeol fall for me, I should look atleast presentable. Napabayaan ko na nga siguro ang sarili ko dahil sa pagiging 100% fangirl ko. 

A light bulb lit on top of my head, I have an idea. 

~*~*~

Pumasok ako sa isang salon, I'm giving myself a new haircut. Kahit na hindi talaga ako sanay sa mga ganitong bagay, I even allow them to put highlights on my hair. 

Matapos kung magpagupit. Pumasok ako sa isang botique na puro damit ang tinitinda. Bumili ako ng mga T-shirts, crop-top at kung ano-anu pa. Nakakatawa dahil yung store na yun ay nagpapatugtog ng instrumental na Peter Pan ng Exo. Kaya ayon, habang nabili ako, iniisip ko yung mga ngyari bilang isang dakilang fangirl nila. 

Masaya ako sa narating ko, friends kami ni Kai. Nakita at nakausap ko ang mga members ng exo ng hindi kailangang umakyat sa dorm nila. Yun naman ang pangarap ng bawat fangirl di ba? Masuwerte ako. 

"Uy! Nandito ka pala!" Napatigil ako sa pag scroll ng mga stall at nilingon ang babaeng tumawag sa akin. Guess who? 

"Woah! You look stunning today ah!" sabi ni Dee saka ngumiti. Gusto ko siyang irapan pero may kumukontra sa akin. Instead I smilled back at her. Siguro dapat ko siyang kilalanin personally nang sa ganon, malaman ko kung ano ba talaga ang meron sa kanilang dalawa. Hindi yung galing lang sa bibig ng iba ang pinaniniwalaan ko. I need to act nice at her. Wala namang mawawala hindi ba? 

"Salamat! Napadpad ka ata dito?" tanong ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin "I saw you, kaya pumasok ako dito." sabi niya saka tumingin sa hawak kong pants. "Nag shopping ka? Waaah! Tulungan na kita!" sabi niya saka inagaw ang pants at tinignan kung bagay sa akin iyon. 

"This one looks good! Kunin mo ito!" sabi niya sabay pakita sa akin ng isang dress. Oo, maganda iyon kaya hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon. Bumili din ako ng coat saka boots. Syempre tinulungan akong pumili ni Dee. 

~*~*~

"Alam mo, Nadia. The first time I saw you, gusto na agad kitang makilala ng husto" sabi niya as she ate her salad. Habang ako, kumakain ng shabu-shabu. Niyaya ko kasi siyang mag dinner kasama ako. "Sobrang gaan kasi ng loob ko sa iyo nun."

"To tell you honestly eonnie, unang kita ko pa lang sayo natakot na ako. Ang taray kasi ng itsura mo eh" sabi ko saka tumawa. Nanlaki naman ang mata niya "Pero eonnie, can I ask you something?" pagtatanong ko sa kanya. 

"Ano iyon?" tanong niya saka ininom yung watermelon juice niya. 

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Chanyeol Oppa? You seem to be so close" diretso kong tanong sa kanya. Mukhang nabigla siya pero agad din niya iyon nabawi. 

"Yess. Were friends. Just..friends" sabi niya saka nag iwas ng tingin at uminom ulit. Napangisi ako. Sabi na eh, there is something between them. Ramdam ko iyon at iyon na din ang sabi ng iba. Ayaw niya lang sabihin dahil hindi pa naman kami ganon ka close hindi ba?

Pero malalaman ko din yun, sa tamang oras. 

~*~*~

"Thank you sa paghatid eonnie! Ingat ka sa pag uwi!" sabi ko pagkababa ko sa kotse niya. kumaway ako at kumaway din siya pabalik. 

Papasok na sana ako sa bahay ng makita ko si Kai sa may gate, agad ko siyang nilapitan. Nang nakita niya akong lumapit sa kanya, tumayo siya sa pagkakaupo niya at sinalubong ako ng yakap. 

"Okay ka lang ba? Bakit ka andito?" tanong ko agad sa kanya saka bahagya siyang tinulak. 


"Sorry" sabi niya kaya natulala ako. Nagsosorry ba siya dahil sa nagawa niya? Kung tutuosin kasalanan ko yun hindi ba? Sobrang dami kong naging kasalanan sa kanya. 

Tinap ko ang shoulder niya. Sinubukan kong titigan siya sa mata pero hindi ko magawa. Nakokonsensya ako sa mga pinag gagawa ko. 

"No. Ako dapat ang mag sabi niyan sa iyo. Jongin, sorry. Sa lahat. Sorry kung hindi ko masuklian yang pag-ibig mo. Sorry kung nasasaktan kita." sabi ko saka yumuko. Sobrang guilt na itong nararamdaman ko. He's been a good friend to me tapos ako? "Sorry kung ginamit kita para lang mapalapit ako kay Chanyeol. Sorry" sabi ko saka tumalikod pero hinila niya ang kamay ko at napaharap sa kanya. Nanatili akong nakayuko. 

Nilagay niya ang buho na humaharang sa mukha ko sa likod ng tenga ko saka hinawakan ang chin ko at inangat ito para mag tama ang tingin namin. Pero nag iwas ako ng tingin, pilit niyang hinahabol ang tingin ko. 

"Look at me" utos niya. "Please"

Wala akong nagawa kundi ang tumitig sa kanya. Nakita ko sa mata niya ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga sinabi ko. Kailangan ko itong gawin para lumayo na siya sa akin dahil kapag lumalapit siya ng lumalapit sa akin, baka masaktan sya lalo. 

"Wala kang kasalanan, ako naman ang nagalok hindi ba? Sabi ko tutulungan kita mapalapit sa kanya as long as you will date me. Yes, you hurt me. But love, love endures everything. Akala ko kapag napalapit ako sa iyo at naiparamdam ang pagmamahal, okay na ako. Pero hindi pala, as time pass by, mas gusto ko na mapasa akin ka na lang" he said looking straight into my eyes. Nakaramdam ako ng sakit sa puso. Bakit ba hindi na lang si Jongin ang minahal ko sa simula pa lang? Bakit kahit anong pilit ko, si Chanyeol ang nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maipaliwanag. 

"Jongin, bakit ako?" tanong ko sa kanya. Ngumisi ito sa akin at nilapit ang bibig niya sa tenga ko at bumulong

"To tell you honestly.. Hindi ko alam kung bakit ikaw. I'm not sure why I love you. I just do. I mean, could you really tell why you love someone? Kapag nagmahal ka, yun na yun. Love them and that's it" 

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now