n i n e

1.2K 49 16
                                    

long comments please, please, please! :)

~*~*~

NINE

Matuto

~*~*~

Ilang araw na ang nakalipas simula nung nanuod kami ni Bani ng performance ng exo. Ngunit, sa mga nakaraang linggo ay naging abala kami sa pag iimbistiga kung sino ang babaeng nakatabi ko sa performance. Hndi ko alam kung bakit hndi ako mapakali kakaisip kung sino sya.

Pumasok ako sa school. Sa totoo lang ay ayoko talaga pumasok dahil sa tuwing papasok kami ni Bank at dadaan sa hallway ay hndi matanggal ang pag bubulungan ng tao, pag tingin ng masama sa amin na para bang masasamang tao kami. Mas lalong lumala ito noong napadpad ako sa stage ng hndi sinadya. Tinawag nila akong baliw.

Napairap ako, wala namang silang alam. Mga judgemental na tao!
Hndi pumasok si Bani ngayon dahil daw may biglaang lakad sila ng pamilya nya. Pansin ko na napapadalas na din ang pag outing nilang magpapamilya. Asensado sa buhay ang pamilya ni Bani. Kilala ang pamilya nila bilang isa sa mga makapangyarihan sa larangan ng negosyo.

Dahil wala si Bani ay mag isa akong kumain sa cafeteria. Nakakainggit dahil buti pa ang pamilya ni Bani nagagawang magkaroon ng oras para makapag outing. Samantalang ako, halos mabulok na ako sa bahay pag wala si Bani. Minsan gusto ko magkaroon ng kapatid, nang sa ganon ay may kasama ako sa bahay.

Pagkatapos ng klase ko ay agad akong umalis sa room. Pag labas ko ay nakita ko na madilim na sa labas. Nakakainis naman, late na naman kami dinismiss. Ayokong magpasundo sa driver namin dahil isang bus lang naman ang layo ng school ko sa bahay namin,

Dumaan ako sa shortcut na alam ko papunta sa pinakamalapit na bus station. Ngunit medyo delikado ang daan na iyon pero gusto ko umuwi ng maaga kaya naman ay doon na lang ako dadaan. Kaya ko naman sarili ko eh tsk.

Habang nag lalakad ay nag suot ako ng earphones at pinatugtog ang isa sa mga kanta ng exo. Naglakad ako habang nakikinig nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin kaya napatigil ako at napalingon.

Mas lalo kong binilisang mag lakad. Rinig ko ang hakbang ng taong sumusunod sa'kin. Tatakbo na sana ako dahil sa kaba nang bigla akong hawakan sa braso. Agad kong kunuha ang pepper spray sa aking bulsa at inispray ito sa kanya.

"Ah shit" bulaslas nya. Nang ako ay mabitawan nya ay agad akong tumakbo papalayo sa kanya. Laking pasasalamat mo dahil nakauwi ka pa ng ligtas. Pagkauwi ko ay agad akong naligo ng mabilis saka lumabas ulit para pumunta sa dorm ng exo at kumain sa labas. Kung nagtataka kayo kung paano ako nakakalabas sa bahay eh simple lang, tumatakas ako.

30 minutes walk lang ang pagitan ng dorm ng exo sa bahay namin, kung dadaan ako sa isa na namang shortcut na alam ko. Nang malapitna ako doon ay may naaninag ako na isang lalaking matangkad ata nakasumbrero. Sideview pa lang alam ko na, si Chanyeol yun at may kausap na isang babae. Nagtago ako sa likod ng malaking puno upang makinig. Sino iyong kausap nya? Mabilisan silang nag usap at saka sumakay sa sasakyan.

Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na pumara ng taxi upang sundan sila.

~*~*~

Nakita kong huminto ang sasakyan nila sa isang bahay kaya naman ipinahinto ko ang taxi, medyo malayo sa kanila para hindi nila mapansin. Pagkababa ko ay dahan-dahan kang naglakad at nagtago sa likod ng puno.

Nakita ko silang naguusap, nagulat ako dahil ang babaeng kasama ni Chanyeol ay yung babaeng nakita konng tinitigan ni Chanyeol nung nag perfrom sila.

"Hindi mo na dapat ako hinahatid, Chanyeol. Paano na lang kung may makakita sa atin na magkasama. Paano na? Kapag mangyari iyon, paniguradong masisira ang career mo at pati ako, baka mabash lang ako. Ayokong mahirapan tayong dalawa" rinig kong sabi ng babae. Tinakpan ko ang bibig ko sa takot na mapamura ng malakas. Nakita kong napayuko si Chanyeol

"Wala akong pakialam, Dee. Ang importante ay makasama kita. Hindi pa ba malinaw sa'yo iyon Dee?" basag na boses na sinabi ni Chanyeol iyon. Nanlaki ang mata ko aa narinig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

"Chanyeol, alam mong hindi tayo pwede. Iba na ngayon at iba din ang dati. Sikat ka na, at alam ko kung paano mo pinaghirapan ito para lang sa kasikatan na ito, Chanyeol" sagot ng babae kay Chanyeol

"Wala akong pakialam, Dee. I don't f*cking care! Mahal kita Dee. Mahal kita! I could sacrifice this fame if you want too, I want you back" niyakap ni Chanyeol ang babae. Hndi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Namuo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. All this time, may mahal na pala syang iba?

Sinalo ko lahat ng masasamang salitang sinasabi ng iba sa akin dahil lang sa pag mamahal ko sa kanya pero mukhang ito ang dudurog sa akin, ang makita syang umiiyak dahil sa pag mamakaawa sa pagmamahal ng iba.

Nakita kong lumuhod si Chanyeol sa harap ng babae at nakayakap ito sa tuhod nito. Para bang nag mamakaawa. Kasabay nito ang pag tulo ng mga luha ko. Masakit pala na malaman na kahit anong gawin ko, hndi ko makukuha ang atensyon nya dahil ito ay nasa iisang tao lang. Kahit anong habol ko ay lalayo sya papunta sa babaeng mahal nya.

"Dee, please" rinig kong pagmamakaawa ni Chanyeol sa babae. "Chanyeol, tumayo ka dyan." rinig kong saway ng babae kay Chanyeol. Tinitigan ko lang sila habang humihikbi na parang isang tanga.

"Maging tayo kahit na patago lang" pagmamakaawa ni Chanyeol.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hndi ko magawang maglakad at talikuran sila. Hndi ko magawang makaalis at mas lalong hndi ko mapigilan na mainis sa babaeng iyon. Halong inggit, galit at kalungkutan ang bumalot sa akin.

Niyakap ni Chanyeol ang babae ng sobrang higpit yun bang parang hindi niya ito kayang pakawalan at iwan.

There are many girls out there. Madaming babaeng nagkakandarapa sa kanya at nagpapapansin. Hindi niya ito mapansin dahil nasungkit ng isang babae ang atensyon niya. Hindi lang atensyon ang nasungkit niya, pati puso. Ang pusong matagal ko ng gustong masungkit.

Pero, ang babaeng mahal niya, hindi kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay niya. Dahil lang sa ayaw niyang masira ang career nito at masira silang dalawa?

HOW PATHETIC!


Naramdaman mo ang pag vibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko ito at tignan kung sino ang nag text.



Ang nag text ay yung unknown number na nag text nung isang araw.

Unknown Number:

'Matuto kang tumalikod kapag nasasaktan ka sa mga nakikita mo. Matuto kang mag bingi-bingihan kapag alam mong makakarinig ka ng mga masasakit na salita. Tumayo ka na dyan at talikuran sila'

Loving Park ChanyeolWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu