t h i r t y

912 34 2
                                    

Dedicated to my landey @Gorgeous_GIANT. Parehas naming nilalandi si Chanyur. HAHA! Muwah :*


30

Party


Isang linggo ang nakalipas matapos ang paglabas namin ni Chanyeol sa Yuldong Park. Matapos nun, wala ulit siyang paramdam. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong sobrang busy nila ngayon kaya okay lang.


Pero may part sa akin na sana ay nagparamdam siya kahit na 'Hi' lang. Haaay. Teka, bakit ba ang demanding ko? Wala naman kami. Ugggh. Pero kahit na, kahit bilang kaibigan?


"Miss Nadia, Pumikit po kayo" utos sa akin ni Leo, ang make up artist ni Mama. Sumunod naman ako. Ngayong araw na ito ay ang debut ko kaya naman abala ang lahat sa pag aayos. Sa totoo lang, hindi ako sanay na magpa party kapag birthday ko. Kadalasan kasi family dinner lang o lalabas kami ni Bani.


Makakapunta kaya si Chanyeol? Kasama siya sa 18 roses ko.


Napatingin ako sa reflection ko sa salamin sa harap ko. Malayo ang itsura ko ngayon kesa sa nakasanayan. Nagmukha akong prinsesa. Bahagya akong natawa. Nakakaexcite din pala ang mga ganitong klaseng party. Ang sabi ni Mama, magical daw ang theme ng party ko kaya naka bihis prensesa ako ngayon.


~*~*~


Matapos kong mag ayos. Tinawag na ako pababa sa hagdan. Tumapat sa akin ang spotlight habang dahan-dahan akong bumababa sa hagdan. Sa akin nakatuon ang lahat ng tao. Nakita ko si Mama sa gilid na nakangiti sa akin habang naluluha. Napangisi ako, ano bang nakakaiyak? Hindi ko pa ikakasal. HAHA!


First dance ko si Papa. Maluha-luha din siya habang kaharap ako. Napaluha din naman ako.


"Anak, sorry kung hindi namin masyadong nasususbaybayan ang paglaki mo dahil sa sobrang busy namin sa trabaho ng mama mo. Alam mo namang, lahat ng ginagawa namin ay para sa iyo lang. Mahal na mahal ka namin Nadia, Happy 18th birthday my princess" sabi ni papa saka hinalikan ang noo ko. Napangiti ako habang dahan-dahan siyang humihiwalay sa akin. Sumunod ang 2nd rose ko na mula sa second dance ko.


Nakipag usap ako sa lalaking kasayaw ko na anak ng mga business partners nina mama. Pero habang sumasayaw ay hindi ko mapigilan ang pag linga ko sa paligid, umaasa na sana ay nandito na si Chanyeol. Sana pumunta siya kahit na busy sila.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko mapigilang hindi malungkot. Sino bang hindi?


Nasa pang 15 roses na still, I keep my eyes busy looking for him. Pero napabagsak ang balikat ko ng makitang wala pa siya. Kinakabahan tuloy ako. I shook my head and face my dancing partner ngumiti ito at binati ako ng happy birthday.


A few minutes have passed at nasa pang 16 roses na ako. Napalinga ulit ako sa paligid, wala pa din siya. You know what, sa simula pa lang alam ko na na dapat hindi na ako umaasa. Alam ko naman na sa simula pa lang, talo na ako sa laban na pinasok ko. Para bang yung puso niya ay isang bitwin, mahirap abutin. Hah. Kaya ko pa bang makuha yun kung ang puso niya ay pagmamay-ari na ng iba?

Loving Park ChanyeolWhere stories live. Discover now